Redirecting you to our exclusive offer…

If you are not redirected automatically, click here.

Thanks for visiting! Your offer will open shortly.

This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

Thursday, June 13, 2024

Bea Alonzo, may bagong boyfriend na ayon kay Ogie Diaz

Usap-usapan ang talent manager na si Ogie Diaz dahil sa kanilang show na “Showbiz Update”, dito nila ibinahagi na may bagong boyfriend na umano si Bea Alonzo.

Sa latest “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs noong June 13, sinimulan nila ito sa pa-blind item.

Ang blind item nila ay tungkol sa aktres na may bago na umanong jowa dahil hindi na ito nakipagbalikan sa kaniyang ex-boyfriend.

Ani Ogie : “Nakarating lang naman sa akin kaya itatanong na rin natin dito. Una, hindi na talaga sila nagkabalikan ng ex niya that’s confirmed!

“Sabi ng source ko ay hindi na talaga sila nagkabalikan kasi may bago na…may bago na raw boyfriend ang aktres.” diin ni Ogie.

Si Bea Alonzo ang nasa blind item na may bagong boyfriend

Hindi naman tinan-tanan si Ogie ng kaniyang mga co-hosts na sina Mama Loi at Tita Jegs dahil kailangan umanong pangalanan ang aktres na nasa blind item nila.

Bea Alonzo, may bagong boyfriend na ayon kay Ogie Diaz
PHOTO : Mama Loi, Tita Jegs and Ogie Diaz

“How true na may bago na raw boyfriend itong si Bea Alonzo?” tanong ni Ogie Diaz.

Sinabi rin ni Ogie na hindi nakarating sa kanila habang nanliligaw pa ang bagong boyfriend ngayon ni Bea, nakarating lamang sa kanila ang chika na may bagong boyfriend na ang aktres.

“Hindi nga natin nabalitaan ‘yung kasagsagan ng panliligaw, eh. ang nakarating lang sa akin ay mayroon na siyang bagong boyfriend,” ani Ogie.

Pagpatuloy ni Ogie : “Kung totoo man, huh? Kasi kailangan pa nating marinig ang panig ni Bea kung totoo ito. ngayon kung totoo ito, we are so happy for Bea despite the fact na mayroon tayong isyu hiwalay ‘yun [demanda].

“Ito magandang balita, ‘di ba? Lalo na ngayon ay okay na si Dominic (Roque) at si Bea at sila ay magkaibigan na lamang,” dagdag pa ni Ogie.

Tinanong naman ni Mama Loi si Ogie kung nasa showbizn o artista ang bagong boyfriend ni Bea Alonzo.

Sagot ni Ogie : “Hindi raw!  Parang Pinoy and half-foreigner (panay naman ang ohh ng dalawa). O, ‘di ba panay ‘ohh’ lang kayo wala na kayong nasabi.”


Albie Casiño, kinampihan si Nikko Natividad laban kay Vice Ganda

Nakahanap ng kakampi ang aktor na si Nikko Natividad sa kanyang matapang na pag-call out sa komedyante at It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa isyu ng umano’y pamamahiya ni Vice sa searchee na si Axel Cruz nang sitahin niya ito sa national television dahil sa umano’y pagnanakaw ng halik nito sa searcher na si Christine.

Matatandaang nag-post si Nikko kung saan inihayag niyang naawa siya sa sinapit ni Axel dahil alam umano niya ang pakiramdam ng mapahiya sa TV.

Ipinahiwatig din ni Nikko na maging siya ay biktima rin ng powertripping.

Walang binanggit na pangalan si Nikko sa kanyang now-deleted posts pero agad na nahulaan ng netizens na si Vice ang kanyang tinutukoy dahil sa post niyang: “Lalagyan lang n’ya ng charot sa dulo lulusot na yan.”

Alam ng madlang pipol na madalas magbiro ng below the belt si Vice pero binabawi niya ito at sinasabing “charot lang” o biro lang ang lahat.

Albie, saludo kay Nikko

Samantala, ipinagtanggol naman ni Albie si Nikko.

Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni Albie na saludo siya kay Nikko dahil matapang nitong ipinahayag ang kanyang saloobin hinggil sa isyu kahit na mababangga niya si Vice at ang It’s Showtime na nagpasikat sa kanya.

Ayon pa kay Albie, walang mali sa sinabi ni Nikko dahil may karapatan ito na ibahagi ang kanyang opinyon.

Ani Albie, “Saludo ako sayo brother @nikkonatividad. Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo may sariling opinyon and we all have the right to voice that.”

Albie, kilalang prangka

Kilalang prangka si Albie na ilang beses nang binatikos dahil sa walang filter niyang pahayag lalo tungkol sa isyu nila noon ng dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann.

Kung matatandaan, hindi itinatago ni Albie ang galit niya kay Andi na dahilan umano kaya naudlot ang kanyang career at nawalan siya ng milyun-milyong piso na proyekto.

Taong 2011 nang masangkot sa paternity issue ng panganay ni Andi na si Ellie si Albie matapos siyang iturong ama ni Andi.

Pero kalaunan, sa tulong ng DNA test, ay lumabas na ang aktor na si Jake Ejercito ang ama ng anak ni Andi.

Gayunpaman, hinahangaan ng marami ang pagiging prangka ni Albie, lalo na nang magsalita siya hinggil sa hindi niya pagdalo sa burol ng ina ni Andi na si veteran actress Jaclyn Jose.

Ayon pa kay Albie, “Unang-una, I just wanna say rest in peace Ms. Jane saka condolences sa lahat ng tao na nagmamahal sa kanya pero hindi naman ako apektado dun. I don’t think my presence would be welcome there so ba’t ako makikiramay, di ba?”


Gerald Anderson at Julia Barretto, magpapa-kasal na

Magpapa-kasal na ang aktor na si Gerald Anderson at ang aktres na si Julia Barretto, ayon pa kay Gerald malapit na raw itong mangyari.

Sunod-sunod ang mga artista na nagpapakasal. 

Pinaka-latest lamang ay ang aktor na si Carlo Aquino na pinakasalan ang aktres na si Charlie Dizon

38 years old na si Carlo habang 28 years old naman si Charlie. 

Gaya ni Carlo, masasabing “passed the marrying age” na rin ang aktor na si Gerald Anderson na ngayon ay 35 years old na.

Gerald, gusto nang mag-asawa

Nang tanungin ng broadcaster at vlogger na si Karen Davila sa vlog nito na in-upload nitong June 6, inamin ni Gerald na handa na siyang lumagay sa tahimik o mag-asawa. 

Sa katunayan, isiniwalat ni Gerald na “malapit” na raw siyang magpakasal. 

Ibig sabihin nito, malapit na rin niyang alukin ng kasal ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto na kaka-27 years old pa lang noong March 10. 

Tanong ni Karen kay Gerald, “Kailangan mo na ba talaga ng misis to keep the house?” 

Sagot naman ni Gerald, “Actually, malapit na. Kailangan kasi siya yung mag-ano sa household, siya yung magbabantay.”

Lingid sa kaalaman ng marami, mag-isa lamang si Gerald sa kanyang bahay sa Quezon City na katabi lang ng kanyang gym business.

Inamin naman ni Gerald na kung three to five years ago daw siya tinanong kung handa na ba siyang magpakasal, ‘hindi’ raw ang kanyang magiging sagot. 

Pero ngayon na 35 na siya, malapit na raw siyang magpakasal.

Gerald, malapit nang alukin ng kasal si Julia

Tanong ni Karen, “But you are ready? Is that fair? Are you ready for marriage?” 

Sagot naman niya, “Siyempre, 35 na po ako. Mas malapit na ako dun sa… I’m closer to that. Kasi kung five, three years ago, tinanong niyo sa akin yan, ‘Hindi, hindi.’” 

Inamin din ni Gerald na ang mga ginagawa niya ngayon, lalo na sa pagtatrabaho, ay para sa kanyang bubuuing pamilya. 

Aniya, “That’s why I’m doing all of this. Kasi gusto ko alagaan yung mga anak ko. Na wala silang iisipin. But hindi sila puwede maging spoiled. Kasi hindi madali ang buhay. So, yun. Just… everything I do in life is leading up to yung aspeto na yan.”

Julia, sasagutin ng “yes” si Gerald Kung magpo-propose ito sa kanya

Samantala, mukhang ‘yes’ naman ang magiging sagot ni Julia kung sakaling aalukin siya ng kasal ni Gerald. 

Kung matatandaan, noong 2022 ay natanong si Julia ni Boy Abunda sa isang episode ng YouTube show nito kung natatakot ba siya sa ideya na magpakasal. 

Deretsahang sinabi ni Julia na “hindi”; sa katunayan, mas “excited” pa raw siya sa ideya ng kasal. 

Ani Julia, “I’m not scared. Marriage? Exciting. [I’m] curious.”

Kaya kung tatanungin daw siya ni Gerald ng kasal ay walang pagdadalawang-isip niya itong sasagutin ng “yes”.

Isinapubliko nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon noong 2021.


Wednesday, June 12, 2024

Ina, binenta ang kambal na anak para pambayad sa credit card loan

CHINA – Usap-usapan sa social media ang 20 years old na ina matapos nitong ibenta ang kaniyang mga anak para pambayad lang sa utang at pambili ng cellphone.

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling anak balang araw, tinatawag rin natin ang mga sanggol na biyaya na mula sa Panginoon.

Ngunit marami rin sa atin ang anak ng anak pero hindi kayang magpaka-magulang, hindi nila iniisip ang kapakanan ng kanilang mga anak at iniisip lamang nila ang kanilang mga sarili.

Ina binenta ang kaniyang anak

Gaya na lamang sa isang 20-anyos na Ina mula sa Cixi City, Zheijang Province, China, isinilang niya ang kambal na mga sanggol ngunit imbes na ito ay kaniyang alagaan nagawa niya itong ibenta.

Ina, binenta ang kambal na anak para pambayad sa credit card loan
Ina, binenta ang kambal na anak para pambayad sa credit card loan

Ang kambal na mga sanggol ay parehong mga lalaki, ang isa ay nabenta niya sa halagang Php316,370 at ang isang kambal naman ay nabenta niya sa halagang Php140,609.

Katwiran pa ng ina, napag-isipan na lamang niyang ibenta ang kaniyang kambal na mga anak dahil sa lumulubo nitong mga utang.

Malaki umano ang kaniyang utang sa credit card na kailangan agad na mabayaran, matapos niyang mabayaran ang lahat ng kaniyang utang ay bumili rin ito ng mamahaling cellphone.

Nasaan ang ama ng kambal?

Matapos ibenta ng ina ang kaniyang kambal, agad na nakarating sa ama ng kambal ang ginawang pagbebenta sa kaniyang mga anak.

Dito na sila nag-talo hindi dahil binenta ang mga sanggol, kung hindi dahil gustong makihati ng ama sa pera na napagbentahan ng kanilang mga anak.

Ayon pa sa ama ng mga kambal na kailangan niya rin magbayad ng kaniyang mga utang matapos itong matalo sa sugal.

Matapos kumalat ang mga balita tungkol sa pagbebenta sa kambal para lamang pambayad sa utang at pambili ng mga gadgets, naging alerto ang awtoridad at agad na dinakip ang mag-asawa.

Nabawi rin ang kambal mula sa mga bumili nito at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng kanilang Lolo at Lola.


Monday, June 10, 2024

Anak ni Carlo at Trina, hindi flowergirl sa kasal nila ni Charlie

Bumaha ng mensahe ng simpatya mula sa mga netizen sa Instagram post ng modelo at ex-girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza.

Ito’y kasunod ng pagpapakasal ni Carlo sa kanyang kasalukuyang girlfriend na si Charlie Dizon.

Marami ang naawa kay Trina dahil tatlong taon din silang magkarelasyon ni Carlo at meron pa silang anak, pero hindi siya ang pinakasalan nito kundi si Charlie, na isang taon pa lang nitong karelasyon.

Netizens, kinomfort si Trina sa gitna ng kasalang Carlo at Charlie

Ngunit kinomfort ng mga netizen si Trina sa pamamagitan ng pagsasabing ‘good riddance’ o ‘blessing’ pa umano na hindi siya pinakasalan ni Carlo dahil ‘red flag’ daw ito.

Bukod dito, baka may nakalaan pa raw ang Diyos na mas ‘better’ kesa kay Carlo.

Komento ng mga netizen:

“When God takes someone out of your life, it’s because He has someone better in store for you.”

“Though it hurts for now but later on you will come to realize that God has rescued you from a future that is not promising.”

“Walang dapat panghinayangan, di pa tapos ang kwento. Di porket pinakasalan, happily ever after na.”

“Kung sa ganda at katawan lang wala naman sinabi yung isa, mas mayaman lang siya kaya siguro siya pinili.”

“Wag ka mag-alala. Tables will turn. Tandaan mo, ikaw ang panalo kasi may anak ka. Karma-karma lang din sa kanila yan. God will provide.”

Netizens, hinanap si Mithi sa kasal nina Carlo at Charlie

Samantala, marami naman ang naintriga kung bakit wala sa kasal ni Carlo ang anak niya kay Trina na si Enola Mithi.

Anak ni Carlo at Trina, hindi flowergirl sa kasal nila ni Charlie
PHOTO : Trina Candaza, Baby Mithi and Carlo Aquino

Marami kasi ang nag-e-expect na kasali sa entourage ng kasal si Mithi bilang flower girl dahil anak siya ni Carlo.

Pero sa mga larawan at video na lumabas sa social media na kuha mula sa kasal, kapansin-pansin na wala si Mithi.

Trina, hindi pumayag na maging abay sa kasal ni Carlo ang kanilang anak?

Dahil dito, naghinala ang mga netizen na baka hindi raw pumayag si Trina na maging abay si Mithi sa kasal nina Carlo at Charlie.

Kung magugunita kasi sa interview sa kanya ni Ogie Diaz noong nakaraang taon, sinabi ni Trina na ayaw niyang may ipakilalang ibang babae si Carlo sa kanilang anak para hindi raw ito malito.

Ayon pa kay Trina, ayaw niyang isipin ng kanilang anak na ayos lang magpapalit-palit ng partner.

Saad ni Trina, “Respect na rin sa akin, Mama Ogs, na huwag munang ipakilala si Mithi sa panibagong mga partner niya, kasi ayoko ring i-instill sa anak ko, sa values niya na okay lang magpapalit-palit ng partner.”

Sa parehong panayam, inamin ni Trina na December 2021 pa sila naghiwalay ni Carlo.

Carlo Aquino at Charlie Dizon Relationship Timeline

Matatandaang December 29, 2022, unang umugong ang dating rumors sa pagitan nina Carlo at Charlie matapos silang maispatang magkasama sa La Union.

Makalipas ang ilang araw, January 6, 2023, kinumpirma ni Carlo na nasa ‘dating stage’ na sila ni Charlie.

Hanggang July 20, 2023, kinumpirma ni Charlie sa isang live TV guesting na boyfriend na niya si Carlo.

Nitong Linggo, June 9, nagpalitan ng kanilang ‘I do’ sina Carlo at Charlie sa isang intimate garden wedding sa isang private resort sa Silang, Cavite.


Nikko Natividad, pinapatanggal ng netizens sa Batang Quiapo

Nanawagan ang netizens at ang mga solid fans ng komedyanteng si Vice Ganda na ipatanggal ang aktor na si Nikko Natividad sa serye ng Batang Quiapo.

Kung ating babalikan, naglabas ng kaniyang saloobin si Nikko matapos umingay ang issue ni Vice dahil sa isang segment ng It’s Showtime na “EXpecially For You”.

Vice Ganda “EXpecially For You” issue

Nagsimula ang lahat dahil sa tangkang paghalik umano ni Axel sa isang searcher na si Maria Christine matapos matanggal si Axel sa pinagpipilian na mga contestants.

Una, binigyan ng pagkakataon ng It’s Showtime hosts na makapagbigay ng mensahe si Axel para kay Christine.

Dito na nilapitan ni Axel si Christine para magkipag-high five at biglang nilapit niya ang kaniyang mukha kay Christine para umano bumeso.

sa isang anggulo ng kamera, parang akma na hahalik si Axel kay Christine, dahil dito biglang nagsalita ang komedyanteng si Vice Ganda para pangaralan si Axel.

Ani Vice : “Oy, hindi pwede yun, that’s bad!

“Don’t do that, you ask for permission. Alam mo bang pwede kang mademanda sa ginagawa mo? Don’t do that, hindi ka pwedeng biglang nagnanakaw ng halik,” babala ni Vice.

Kaya naman, dito na umingay ang mundo ng social media dahil sa paninita at pamamahiya umano ni Vice kay Axel habang ito ay live on TV.

Nikko Natividad, sinupalpal si Vice Ganda sa pamamagitan ng social media post

Para naman kay Nikko Natividad, former Hashtag member ng It’s Showtime, sobra umanong napahiya si Axel matapos itong pagsabihan na tatadyakan at pweding kasuhan sa live segment ng It’s Showtime.

Binigyang diin rin ni Nikko sa isang post na alam niya ang pakiramdam ng napapahiya sa TV at napapowertrip base sa naging experienced niya.

Ani Nikko : “Sobra lang kasi napahiya yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan.

“Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila ma experience at ng exposure pero sobrang trauma yung nakuha nila.” ani Nikko.

Nikko, sinupalpal si Vice matapos pinahiya si Axel at Christine
PHOTO : Nikko Natividad post about Vice, Axel and Christine

Nikko Natividad, binanatan ng fans ni Vice Ganda

Matapos mag trending ang mga makahulugang post ni Nikko tungkol kay Vice Ganda, uminit ang ulo ng mga solid fans ng komedyante.

Pinagsabihan nila si Nikko na kung hindi dahil sa It’s Showtime ay wala umanong pangalan at showbiz career ang aktor.

Nadamay na rin ang trabaho ni Nikko sa Batang Quiapo bilang si “Emong” at nag-petisyon ang mga fans ni Vice sa X (Twitter) na kung maaari ay ipatanggal ito sa programa.

Ayon sa X post : “Petition for Nikko Natividad to be REMOVED from Batang Quiapo show of Vice Ganda’s Bestfriend COCO MARTIN trewwww?.”

Hindi lingid sa marami na matagal ng mag-best friends si Vice Ganda at Coco Martin, kaya naman malakas ang kapangyarihan ni Vice at kaya nitong ipatanggal si Nikko sa Batang Quiapo kung gugustuhin nito.


Saturday, June 8, 2024

Daniel Padilla, binato ng bote sa “Pagkakaisa” concert?

Trending ang pagpe-perform ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa ‘Pagkakaisa’ concert ng Bagong Pilipinas sa Davao del Norte nitong Biyernes, June 7.

Kahit nabuwag na ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo na “KathNiel”, marami pa rin ang nag-abang sa performance ni Daniel.

Tila isang ‘bagyo’ ng emosyon at aksyon naman ang naganap sa concert na ito, na hindi lamang dahil sa malakas na buhos ng ulan kundi pati na rin sa isang hindi inaasahang insidente.

Daniel, nagpabasa sa ulan para damayan ang fans

Hindi pinalagpas ni Daniel ang pagkakataon na mag-perform sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. 

Kahit covered ang area ng mga performer, nagpabasa pa rin si Daniel sa ulan bilang pakikiisa sa mga fans na hindi umalis kahit umuulan nang malakas para lamang mapanood siya. 

Sa isang video, makikita si Daniel na puno ng energy na kumakanta habang halos naliligo na sa ulan.

Daniel, sinita ang audience na namamato ng bote

Ngunit bago matapos ang kanyang performance, nagkaroon ng isang nakakabahalang pangyayari. 

Isang audience kasi ang namamato ng bote habang kumakanta si Daniel sa stage. 

Napansin ni Daniel ang insidente sa kalagitnaan ng kanyang pagkanta, na hindi niya pinalampas. 

Mabilis na pinagsabihan ni Daniel ang audience na itigil na ang ginagawa nito. 

“Huwag kang mamato diyan. ‘Yung namamato ng bote diyan, tigilan mo yan. Nakikita kita,” ani Daniel sa kanyang pagtatapos ng isang kanta.

Daniel Padilla, binato ng bote sa "Pagkakaisa" concert?
PHOTO : Daniel Padilla / Pagkakaisa concert

Reaksyon ng Netizens

Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng pambabato ng bote, ngunit marami sa netizens ang nagsasabi na baka ito ay isang basher o hater ni Daniel dahil sa isyu ng hiwalayan nila ni Kathryn. 

Ang insidente ay naging viral online, at marami ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Daniel sa social media. 

“Bakit may ganun? Nandiyan si Daniel para magpasaya, hindi para saktan,” sabi ng isang fan sa X.

Dedikasyon sa mga fans

Kahit pa mayroong ganitong insidente, hindi natinag si Daniel. 

Nagpatuloy siya sa kanyang performance na tila walang nangyari. 

Hindi niya ininda ang ulan at patuloy na nagpakita ng mataas na energy sa kanyang pagkanta, na nagbigay saya sa kanyang mga fans na basang-basa na sa ulan.