Monday, June 10, 2024

Anak ni Carlo at Trina, hindi flowergirl sa kasal nila ni Charlie

Bumaha ng mensahe ng simpatya mula sa mga netizen sa Instagram post ng modelo at ex-girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza.

Ito’y kasunod ng pagpapakasal ni Carlo sa kanyang kasalukuyang girlfriend na si Charlie Dizon.

Marami ang naawa kay Trina dahil tatlong taon din silang magkarelasyon ni Carlo at meron pa silang anak, pero hindi siya ang pinakasalan nito kundi si Charlie, na isang taon pa lang nitong karelasyon.

Netizens, kinomfort si Trina sa gitna ng kasalang Carlo at Charlie

Ngunit kinomfort ng mga netizen si Trina sa pamamagitan ng pagsasabing ‘good riddance’ o ‘blessing’ pa umano na hindi siya pinakasalan ni Carlo dahil ‘red flag’ daw ito.

Bukod dito, baka may nakalaan pa raw ang Diyos na mas ‘better’ kesa kay Carlo.

Komento ng mga netizen:

“When God takes someone out of your life, it’s because He has someone better in store for you.”

“Though it hurts for now but later on you will come to realize that God has rescued you from a future that is not promising.”

“Walang dapat panghinayangan, di pa tapos ang kwento. Di porket pinakasalan, happily ever after na.”

“Kung sa ganda at katawan lang wala naman sinabi yung isa, mas mayaman lang siya kaya siguro siya pinili.”

“Wag ka mag-alala. Tables will turn. Tandaan mo, ikaw ang panalo kasi may anak ka. Karma-karma lang din sa kanila yan. God will provide.”

Netizens, hinanap si Mithi sa kasal nina Carlo at Charlie

Samantala, marami naman ang naintriga kung bakit wala sa kasal ni Carlo ang anak niya kay Trina na si Enola Mithi.

Anak ni Carlo at Trina, hindi flowergirl sa kasal nila ni Charlie
PHOTO : Trina Candaza, Baby Mithi and Carlo Aquino

Marami kasi ang nag-e-expect na kasali sa entourage ng kasal si Mithi bilang flower girl dahil anak siya ni Carlo.

Pero sa mga larawan at video na lumabas sa social media na kuha mula sa kasal, kapansin-pansin na wala si Mithi.

Trina, hindi pumayag na maging abay sa kasal ni Carlo ang kanilang anak?

Dahil dito, naghinala ang mga netizen na baka hindi raw pumayag si Trina na maging abay si Mithi sa kasal nina Carlo at Charlie.

Kung magugunita kasi sa interview sa kanya ni Ogie Diaz noong nakaraang taon, sinabi ni Trina na ayaw niyang may ipakilalang ibang babae si Carlo sa kanilang anak para hindi raw ito malito.

Ayon pa kay Trina, ayaw niyang isipin ng kanilang anak na ayos lang magpapalit-palit ng partner.

Saad ni Trina, “Respect na rin sa akin, Mama Ogs, na huwag munang ipakilala si Mithi sa panibagong mga partner niya, kasi ayoko ring i-instill sa anak ko, sa values niya na okay lang magpapalit-palit ng partner.”

Sa parehong panayam, inamin ni Trina na December 2021 pa sila naghiwalay ni Carlo.

Carlo Aquino at Charlie Dizon Relationship Timeline

Matatandaang December 29, 2022, unang umugong ang dating rumors sa pagitan nina Carlo at Charlie matapos silang maispatang magkasama sa La Union.

Makalipas ang ilang araw, January 6, 2023, kinumpirma ni Carlo na nasa ‘dating stage’ na sila ni Charlie.

Hanggang July 20, 2023, kinumpirma ni Charlie sa isang live TV guesting na boyfriend na niya si Carlo.

Nitong Linggo, June 9, nagpalitan ng kanilang ‘I do’ sina Carlo at Charlie sa isang intimate garden wedding sa isang private resort sa Silang, Cavite.


0 comments:

Post a Comment