Saturday, June 1, 2024

Philmar Alipayo, may patunay na si Andi Eigenmann ang nag-iisa

Naglabas ng patunay ang champion surfer na si Philmar Alipayo na si Andi Eigenmann lamang ang nag-iisang babae sa kaniyang buhay.

Saan nag-ugat ang issue ni Philmar Alipayo at Crissa Liaging?

Kung ating babalikan, nagkaroon ng malisya ang isang video ng content creator na si Crissa Liaging na kung saan makikita silang nag-uusap ni Philmar sa isla ng Siargao.

Andi, sinupalpal ang babae na kasama ni Philmar sa viral video2
PHOTO : Philmar Alipayo and Crissa Liaging

Nagulat ang mga netizens at nadismaya sa kanilang nakita, hindi lingid sa karamihan na masayang nagsasama si Philmar at ang aktres na si Andi sa Isla ng Siargao kasama ang kanilang mga anak.

Philmar Alipayo social media post

Sa ibinahaging social media post ni Philmar kasama si Andi, makikitang unbothered sila sa mga lumalabas na chika na ipinagpalit na umano ng surfer si Andi kay Crissa matapos mag krus ang kanilang landas sa Siargao.

Mapapansin sa nasabing larawan na okay na okay sila ni Andi at hindi sila nagpapa-apekto sa mga intriga sa kanila sa social media.

Caption pa ni Philmar : “National Couple Day! Post your other half (heart emoji).”

Andi Eigenmann nagsalita na

Matapos mag viral ang video, nagsalita ang aktres na si Andi at sinupalpal ang babaeng kasama ni Philmar na si Crissa.

Ayon pa kay Andi na masyadong nakakahiya ang ginawa ng content creator para lamang pag-usapan at magpasikat sa social media.

Nabanggit rin ni Andi na naghahanap lamang umano ng atensyon ang content creator dahil edited ang audio at clips ng video at inupload ito sa kaniyang social media account.

Pahayag ni Andi : “He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that,

“What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention,”

Komento ng netizen sa viral video ni Philmar at Crissa

“Bat ako yung nasasaktan para kay Andi, kahit sabihin pa naten na tropa or kung ano pa eh may asawa yung tao. Kunyare na lang ikaw yung nasa side ni Andi.”


0 comments:

Post a Comment