Hindi pinalampas ng social media personality na si Xian Gaza ang mga magulang na nagsasabit ng money garland sa kanilang mga anak sa araw ng graduation.
Pinagdiinan rin ni Xian na ang mga magulang umano na gumagawa nito ay ang mga taong nagpapanggap na mayaman pero walang wala naman.
Viral money garland sa graduation
Kung matatandaan, maraming nagva-viral ngayon sa social media na mga larawan na kuha sa kani-kanilang graduation ceremony.
Ngunit agaw eksena ang mga magulang na nagsasabit sa kanilang mga anak ng money garland, may iba pa na umaabot sa milyon-milyong peso ang sinasabit kaya naman agad itong kumalat sa social media at pinagka-guluhan ng mga netizens.
Xian Gaza tinawag na “Jejemon” ang mga magulang na nagsasabit ng money garland sa kanilang anak
Ani Xian Gaza : “Ang mga magulang na nagsasabit ng money garland sa kaniyang anak on Graduation Day ay isang jejemon,” panimula ni Xian.
Sinabi rin ni Xian Gaza na bobo umano ang mga anak na may money garland at walang mga awards o medal, kaya dinadaan na lamang sa pa-money garland.
“Ang gagawa lang niyan ay mga squammy na nagpapanggap na mayaman. Ang anak ay bobo kaya walang ibang medalya. Dinaan na lang pera,
“Ang tunay na mayaman ay hindi gagawa ng ganiyang kabaduyan. Kapag ginawa ‘yan ng magulang mo sa’yo, hindi ka dapat matuwa, ‘pagkat ika’y sobrang nakakahiya,
“‘Yan na lang ang natitirang pera ng magulang mo kaya inispread nang malala para magmukhang marami.” dagdag pa niya.
DepEd tungkol sa money garland
Naglabas rin ng kanilang pahayag ang DepEd tungkol sa mga magulang na nagsasabit ng money garland tuwing graduation ng kanilang mga anak.
Ani pa ng pamahalaan na kung maari ay iwasan ang pagsabit ng money garland o ang pagbibigay ng money bouquet sa mga ga-graduate upang hindi magkaroon ng epekto sa ibang estudyante na hindi makatatanggap nito.
0 comments:
Post a Comment