Sunday, June 30, 2024

New boyfriend ni Kris Aquino, isang magaling na Doktor

Inamin ng TV host-actress na si Kris Aquino na ang new boyfriend niya ay isang Doktor at ito ang bagong nagpapatibok sa kaniyang puso.

Ini-reveal ito ni Kris sa exclusive interview sa kanya ng talent manager at matalik niyang kaibigan na si Ogie Diaz, na in-upload ng huli sa kanyang YouTube channel nitong Sabado, June 29.

Sa umpisa ng interview, una munang nakausap  ni Ogie ang bunsong anak ni Kris na si Bimby.

New boyfriend ni Kris Aquino, isang magaling na Doktor
PHOTO : Kris Aquino, Bimby and Ogie Diaz

Maliban nga sa estado ng kalusugan ni Kris, isa sa inusisa ni Ogie nila ay ang lagay ng puso ngayon ni Kris.

Ani Ogie, “So, Bimby, kumusta na ang puso ng Mama mo? Alam ko naman na ang puso niya ay nahihirapan dahil sa kanyang karamdaman pero yung pagdating sa pag-ibig, kumusta ang puso ng Mama mo?”

Ibinunyag ni Bimby na “peaceful” ang puso ngayon ng kanyang ina.

Aniya, “Now, mom’s heart is peaceful lang. Peaceful, steady, at peace, yun.”

Kasunod nito, tinanong ni Ogie kung kumusta na si Kris at ang huling napabalitang boyfriend nito na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Inamin ni Bimby na mula noong birthday ni Kris noong nakaraang February 14 ay hiwalay na raw ito at si Mark.

Ani Bimby, “He has always been respectful. He has always been nice to me, my brother. My family, in general. But since before Mom’s birthday, they are not together na.  Wala na. You know, ‘pag long distance, syempre mahirap at saka there’s a lot of things [happening].”

Pang-uusisa naman ni Ogie kay Bimby, “Bakit wala na? Dahil may bago na?”

Hindi agad nasagot ni Bimby ang tanong ni Ogie dahil dapat si Kris umano ang magsabi nito.

Pero sa huli ay sinagot din niya ito matapos sumabat ng “yes” si Kris.

Ani Bimby, “That’s up to mom to say. And sa tingin ko, yeah, that’s up to mom to say.”

“Yes!” sigaw ni Kris sa background.

“Meron! Meron!” ani Bimby.

Ayon kay Bimby, hindi taga-showbiz ang bagong boyfriend ng kanyang ina na inilarawan niyang makulit pero mabait.

Aniya, “Yes. He’s a very good guy. Very good guy to me. Non-showbiz. Medyo ano, makulit lang. But, [he’s a] very good guy.”

Kris, inaming may bagong boyfriend na isang doktor sa Makati

Samantala, kalaunan ay sumali na rin sa interview si Kris at siya na mismo ang nagkumpirma na may bago na siyang karelasyon.

Ayon kay Kris, doktor ang kanyang bagong boyfriend, at isa raw ito sa dahilan kung bakit mabilis niya itong nakapalagayan ng loob.

Aniya, “Hindi naman love life but it just flowed, nangyari. And he’s a doctor. And I think that’s part of the reason why it was easy. Kasi alam niya ako anong pinagdadaanan ko.”

Hindi namang pinangalanan ni Kris ang kanyang bagong boyfriend pero nagbigay siya ng clue sa pagkatao nito.

Ibinunyag ni Kris na isang doktor sa Makati ang kanyang bagong boyfriend.

Ayon pa kay Kris, isa sa mga dahilan kung bakit confident siyang umuwi sa Pilipinas ay dahil alam niyang may mag-aalaga sa kanya rito.

Aniya, “And he’s part of the reason why I’m confident na pwede akong umuwi. Kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me.”

Kumpirmasyon ni Kris, “So obviously, by saying that, alam na nila na he’s a doctor based in the Philippines…Makati. Ang laki naman ng Makati, Bimb. At maraming ospital in Makati and in BGC,” 

Kris, ibinunyag ang dahilan ng hiwalayan nila ni Mark

Sa parehong interview, ibinunyag ni Kris na halos limang buwan na mula nang mangyari ang hiwalayan nila ni Mark.

Imposible na rin umanong magkabalikan sila nito.

Bukod dito, ibinunyag ni Kris na isa si Bimby sa pinaka-dahilan kung bakit hindi tumagal ang relasyon nila ni Mark.

Rebelasyon ni Kris, ayaw ni Bimby kay Mark.

Aniya, “Hindi sila magkasundo nung ex (Mark)…Hindi niya (Bimby) gusto eh. It matters to me because he knows me best. And siya at si Kuya, opinion nila really matters.”

Tumatak din umano sa kanya ang sinabi ni Bimby na hindi niya talaga mahal si Mark kundi malungkot lang siya.

Ani Kris, “Sabi ni Bimby, ‘Mama I don’t think you really love him. I think you’re just sad. Tumatak yun sakin. Sabi ko, ‘yeah that’s true.’”

Kris, nilinaw na walang overlap na nangyari sa pagitan ng kanyang past at present relationship

Kasunod nito, mariing nilinaw ni Kris na walang overlap o hindi niya pinagsabay si Mark at ang kanyang bagong boyfriend.

Hindi rin umano ang kanyang bagong boyfriend ang dahilan kaya naghiwalay sila ni Mark.

Ani Kris, “Yes, definitely, walang balikan na mangyayari…

“Can I just say na may malaking gap naman. Hindi naman siya nagkasabay. At hindi siya ang dahilan kung bakit… Walang overlap at hindi siya yung dahilan kung bakit hindi kami naging okay…

“Para malaman lang ng tao, nagkakalabuan na magmula November (2023). And then, sinubukan ayusin pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto. Pero ayoko nang magsabi ng more than that because part of the reason why it did not work out was I’m at the stage in my life na mas gusto ko nang tahimik.

“I’d kept quiet because mas matindi ‘yung treatment na pinagdaanan ko recently. Ayokong ibalita sa mga tao na hirap ako. Pagod ako. Why should I burden people when everybody has their own burden na kailangan nilang malagpasan?”


0 comments:

Post a Comment