Friday, June 21, 2024

Rendon at Rosmar, pwedi parin pumunta sa Palawan Pawnshop

Hindi natuwa si Rendon Labador sa isang meme na ginawa ng netizen kaugnay ng pagdeklara sa kanila ni Rosmar Tan bilang “persona non grata” sa buong Palawan.

Nitong Huwebes, June 20, nag-react si Rendon sa post ng isang netizen kung saan makikitang in-edit ang picture nila ni Rosmar noong sumugod sila sa munisipyo ng Coron, Palawan.

Sa nasabing post, pabirong nilagay ng netizen ang nasabing picture nila ni Rosmar sa isang picture naman ng isang branch ng Palawan Pawnshop kung saan makikita rin ang isang guard.

Kaya naman lumalabas na nagrereklamo sina Rendon at Rosmar sa guard dahil hindi na rin sila pwedeng makipag-transact sa Palawan Pawnshop.

Caption ng netizen sa meme, “persona non grata” na ang ibig sabihin ay hindi welcome sa isang lugar ang isang tao.

Rendon, malungkot dahil hindi na sila welcome sa Palawan

Samantala, pumalag si Rendon sa nasabing meme kung saan sinabi niyang hindi raw ito nakakatawang biro.

Ayon pa kay Rendon kung saan tinag pa niya si Rosmar, mukhang ang Palawan Pawnshop na lang daw ang Palawan na pwede nilang puntahan.

Ani Rendon, “Hindi nakakatawang biro Rosemarie Tan Pamulaklakin Eto nalang yata yung Palawan na pwede nating puntahan.”

Rendon at Rosmar, pwedi parin pumunta sa Palawan Pawnshop
PHOTO : Rendon Labador and Rosmar Tan

Matatandaang idineklarang persona non grata sa buong palawan sina Rendon at Rosmar, kabilang na ang mga kasamahan nila sa Team Malakas matapos nilang sigawan, duruin, at bastusin ng isang staff ng munisipyo ng Coron na nag-post ng laban sa kanila sa social media kasunod ng charity event nila sa probinsya.

Ayon sa mga opisyal ng Palawan, hindi katanggap-tanggap ang inasal ng grupo nina Rendon at Rosmar dahil hindi lang ang staff ang kanilang binastos kundi maging ang lokal na pamahalaan at mga Palaweño o mga mamamayan ng Palawan.

Kasunod nito, humingi na ng paumanhin ang grupo nina Rendon at Rosmar dahil sa kanilang ginawa sa empleyado ng munisipyo at maging sa inasal nila habang nasa loob ng opisina ng alkalde ng Coron, Palawan.

Aminado si Rosmar na nadala lamang siya ng bugso ng damdamin matapos mabasa ang post ng empleyado ng munisipyo laban sa kanila.

Aniya, “Nagpadala po ako sa bugso ng damdamin, at yon po ang pinakamaling nagawa ko at humihingi po ako ng tawad. Alam ko pong pagkakamali ko po yon. Sana po mapatawad niyo po kami.”

Habang si Rendon ay nilinaw na hindi sila pumunta sa munisipyo bilang mga celebrity at influencer kundi bilang isang Pilipino na nasaktan sa komento ng nasabing empleyado na isang public servant.

Ani Rendon, “Gusto ko pong linawin na pumunta kami sa munisipyo, hindi bilang celebrity, hindi bilang isang influencer. Pumunta po kami doon bilang isang Pilipino, simpleng tao na nasaktan sa nangyari dahil sa isang comment ng public servant…”

Nakiusap din si Rendon na bigyan siya ng huling pagkakataon na makadalaw sa Coron dahil napangakuan na raw niya ang kanyang pamilya na magbabakasyon sila sa probinsya.

Ani Rendon,”Ako na po ang bigyan niyo ng persona non grata. Hiling ko po na kung ito man po ay matutuloy, gusto ko pong hilingin sa inyo, Mayor, na sana bigyan niyo pa po ako ng huling pagkakataon na makadalaw sa Coron, dahil napangako ko po sa pamilya ko na ipapasyal ko sila sa Coron, para makita ko po silang maging masaya sila.”


0 comments:

Post a Comment