Wednesday, May 29, 2024

Bagong trabaho ng aktres na si Isabelle Daza, viral

Nagulat ang maraming netizens matapos makita ang aktres at TV host na si Isabelle Daza na nasa loob ng eroplano at nakasuot ng isang flight attendant uniform.

Bagong trabaho ng aktres na si Isabelle Daza, viral
PHOTO : Isabelle Daza and other Flight Attendants

Isabelle, spotted na nasa loob ng eroplano bilang isang Flight Attendant

Viral sa TikTok ang video na inupload ng isang netizen kung saan makikita ang selfie niya kasama si Isabelle na nakasuot ng isang flight attendant uniform ng Cebu Pacific.

Bukod dito, makikita rin sa video ang pagtitinda ni Isabelle ng snacks sa loob ng eroplano.  

Ayon sa uploader na si San Dy (purple heart emoji), mula sa Davao at papuntang Manila ang kanilang flight kung saan isa si Isabelle sa mga flight attendant.

Aniya, “Our flight back to Manila with our gorgeous flight attendant. @isabelledaza thank you.”

Isabelle, isa na nga bang flight attendant?

Samantala, dahil sa video, marami tuloy netizens ang naintriga at napatanong kung isa na nga ba ngayong flight attendant si Isabelle.

Komento nila:

“Wow! C Isabelle Daza ba yan?”

“Isabelle Daza? Para lang po ba sa vlog or legit na jan talaga siya nagwo work?”

“Work nya na po ba or for film shooting lang?”

“Why? Nag FA NA SYA?”

Para sa commercial o promotion lang

Ilang netizens naman ang sumagot sa katanungan ng ibang netizens kung bakit naging flight attendant si Isabelle. 

Ayon pa sa kanila, hindi raw totoong flight attendant si Isabelle.

Nag-ala flight attendant lang daw si Isabelle para sa isang commercial o promotion ng Cebu Pacific.

Dagdag pa nila, mukhang celebrity ambassador o endorser daw ng Cebu Pacific si Isabelle.

Komento ng ilang netizens:

“It’s for commercial of CebuPac”

“It’s a promotion for unicef x cebu pacific i think. Di po sya flight attendant, just for that flight”

“At first, I thought kamukha niya lang pero sa name tag is belle. Galing niya if she’s doing this as a job talaga, or baka for commercial lang.”

Flight attendant, pinuri ang kabaitan ni Isabelle Daza

Isang flight attendant naman ng Cebu Pacific ang nag-post din ng ilang larawan niya kasama si Isabelle at iba pang crew.

Ayon sa kanya, special assignment daw ang flight na iyon kung saan kasama nila si Isabelle na nangyari noong May 20, 2024.

Pinuri naman ng flight attendant ang pagiging mabait at humble umano ni Isabelle.

Aniya, “Special assignment flight with Belle Daza! Another milestone with Cebu Pacific. This was last May 20, 2023 DVO-MNL flight. She was so nice and humble.”


0 comments:

Post a Comment