Tuesday, May 21, 2024

Anne at Joshua walang spark, mukhang mag-ina ayon sa netizens

Dismayado ang maraming netizens sa cast ng Philippine adaptation ng “It’s Okay To Not Be Okay,” sa pagpapares kina Anne Curtis at Joshua Garcia bilang bida.

Anne at Joshua walang spark, mukhang mag-ina ayon sa netizens
PHOTO : Anne Curtis and Joshua Garcia

Sabi nila, tila may ‘mismatch’ daw sa pagpili ng cast ng serye dahil wala raw chemistry sina Anne at Joshua.

Para sa mga hindi nakakaalam, gagampanan ni Anne ang bidang babae na si “Ko Moon Young,” na ginampanan naman ng South Korean actress na si Seo Ye Ji.

Emilia “Mia” Hernandez ang Filipino name ni Ko Moon Young, na isang sikat na children’s book author na may antisocial personality disorder.

Bibigyang-buhay naman ni Joshua ang karakter ni “Moon Gang Tae,” na ginampanan ng “highest-paid actor” ng South Korea na si Kim Soo Hyun.

Patrick “Patpat” Gonzales ang Filipino name ni “Moon Gang Tae,” na isang nurse o caregiver sa isang psychiatric hospital.

Gagampanan naman ni Carlo Aquino ang kapatid ni Moon Gang Tae na si “Moon Sang Tae,” na isang aspiring illustrator na may autism.

Anne Curtis at Joshua Garcia hindi raw bagay?

Samantala, hindi pa man nagsisimula ang taping ng serye, inulan na agad ng batikos at negatibong reaksyon ang tambalan nina Anne at Joshua.

Ayon kasi sa netizens, ‘di raw bagay sina Anne at Joshua dahil wala silang chemistry.

Pinuna ng netizens ang malaking age gap nina Anne at Joshua na halatang-halata raw.

Ayon pa sa kanila, parang mag-ina lang sina Anne at Joshua.

Matatandaang sa presscon ay ‘nagtitigan’ sina Anne at Joshua ngunit walang naramdaman na ‘kilig’ ang netizens sa kanilang titigan.

Kaya ayon sa netizens, okay na raw sana si Anne bilang female lead, kaya lang ay sablay naman daw ang piniling magiging leading man niya.

Hirit naman ng netizens, may oras pa raw na palitan si Joshua.

Komento ng netizens:

“Sorry pero wala talagang chemistry. Love Anne pero mukha lang silang mag-ina ni Joshua.”

“Joshua? Sana humanap man lang sila ng babagay kay Anne. Kung sa edad ni Joshua, pwede naman si Maris o Kaila. At, kung sa edad naman ni Anne pwede naman si Jericho, madami pang iba.”

“Joshua na naman? Tas partner kay Anne Curtis?? Parang NOT OKAY…”

“Magagaling silang actors but wala talagang chemistry sina Anne at Joshua sa totoo lang.”

“Nawalan ako ng gana haha.. Anne tapos Joshua? Cringe.”

“Sana Julia-Joshua na lang, or Anne then another actor. Di bagay si Anne at Joshua, halata yung age gap nila.”

“Di bagay si Joshua para kay Anne. Okay na sana, sablay lang casting.”

Samantala, sa ginanap na presscon para sa serye, aminado si Joshua na kailangan pa nilang i-work out ni Anne ang kanilang chemistry.

Ibinahagi naman niyang sasabak sila ni Anne sa immersion at workshop para ma-build ang kanilang chemistry.

Ani Joshua, “Lahat po kami may gagawing immersion. May mga times din na magkasama kami, may mga times din na mag-isa ako. Magkakaroon din po kami ni Anne ng workshop, chemistry workshop.”

Inamin naman ni Anne na excited siyang makita kung paano nila mailalabas ni Joshua ang kanilang chemistry bilang loveteam.

Ani Anne, “I’m so excited. It’s my first time working with Joshua, so I’m very excited to see how we can bring out the chemistry together.”

Lingid sa kaalaman ng marami, ang “It’s Okay To Not Be Okay” ang magiging comeback teleserye ni Anne pagkatapos ng isang dekada.

Matatandaang “Dyesebel” ni Mars Ravelo noong 2014 ang huling teleserye na ginawa ni Anne.

Ayon naman kay Anne, hindi naging mahirap sa kanya na mag-yes sa serye dahil gustong-gusto niya ang serye.

Ani Anne, “It’s definitely worth it. Hindi naman ako mag-a-accept ng isang project if I didn’t feel it was worth leaving my family for a little bit to shoot. When they offered this to me, it was an instant yes because I love the original and I couldn’t let it pass.”

Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ang ABS-CBN at Netflix ng eksaktong petsa kung kailan ipapalabas ang serye.


0 comments:

Post a Comment