Monday, May 27, 2024

Rudy Baldwin, siya raw ang magpapagaling kay Kris Aquino

Naniniwala ang kilalang psychic na si Rudy Baldwin na gagaling pa ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino basta maniwala lang ito sa faith healing.

Rudy Baldwin, siya raw ang magpapagaling kay Kris Aquino
PHOTO : Rudy Baldwin and Kris Aquino

Sa katunayan, may alam si Rudy na paraan para gumaling si Kris sa mga karamdaman nito.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay nakapanayam niya si Rudy kung saan isa sa mga tanong niya ay kung may vision o pangitain ba ito kay Kris.

Kris Aquino, may pag-asa pang gumaling

Ayon nga kay Rudy, may pag-asa pang gumaling si Kris kaya sana ay huwag daw hilingin ng iba na mawala na ito.

Ani Rudy, “Kay Kris Aquino kasi dine-declare na kasi nila na mawawala siya eh. Hindi pa nila nakita na ‘yung tao lumaban. Kahit na hirap na hirap siya lumalaban siya, eh. Para lang mabuhay siya eh.”

Rudy Baldwin, may payo kay Kris Aquino para gumaling

Kasunod nito, hinikayat ni Rudy si Kris na subukan na magpagamot sa ibang paraan o sa pamamagitan ng alternative medicine at faith healing at hindi lang sa pamamagitan ng medisina o pagpapagamot sa doktor.

Ani Rudy, “I know nagpagamot ka. I know na nag ano ka sa medisina. Why just look in one side? ‘Yung minsan pag nagkasakit tayo, ‘yung epekto ng sakit natin minsan hindi ‘yung doktor ang makakatulong.”

Samantala, umaasa nga si Rudy na sana ay matingnan niya si Kris dahil may alam siyang paraan para gumaling ito.

Ayon pa kay Rudy, kahit hindi na siya bayaran ni Kris basta magpatingin lang ito sa kanya.

Kailangan daw kasi na malapit sa kanya si Kris bago niya gawin ang tila ay isang ritwal.

Ani Rudy, “How I wish na nakita ko siya na malapit. So I can tell na ano ganito, ganito lang iyan. Gagaling ‘yan. Try lang niya [magpatingin]. ‘Wag niya akong bayaran. Kahit sampung piso lang. Kailangan kasi mayro’ng galing sa kanya para ‘yong energy ko naman lalakas ako ulit.”

“‘Yong sa kanya kasi matrabaho ‘yan. Madali lang ‘yan. Para maniwala siya, may gagawin ako sa kanya. Papaharapin ko siya sa salamin. Mayroon lang siyang ihihilamos na tubig. Tumingin siya sa salamin, makikita niya kung sino ang gumawa sa kanya,” ani Rudy.

Samantala, wala pa namang tugon si Kris sa payo ni Rudy na subukan niya ang ibang paraan bukod sa medikal para gumaling.

Matatandaang nasa Amerika si Kris para magpagamot sa kanyang maraming autoimmune diseases.


0 comments:

Post a Comment