Wednesday, May 29, 2024

Netizen, tinawag si Andi Eigenmann na losyang at pabaya sa sarili

Hindi nakaligtas sa mapangutyang netizens ang dating aktres na si Andi Eigenmann, pinuna kasi ng ilang netizens ang itsura ngayon ng aktres.

Netizen, tinawag si Andi Eigenmann na losyang at pabaya sa sarili
PHOTO : Andi Eigenmann

Andi Eigenmann, ‘losyang’ na raw?

Ayon sa kanila, hindi na raw mukhang artista si Andi at wala nang bakas na lumaki siya sa isang mayamang pamilya.

Napabayaan na rin umano ni Andi ang kanyang sarili na mapapansin sa kanyang itsura ngayon.

Maging ang buhaghag na buhok at pananamit ni Andi ay pinuna rin ng netizens.

Sabi pa nila, mukha na raw ‘losyang’ si Andi ngayon, malayong-malayo sa dati niyang itsura noong artista pa siya.

Andi, sinupalpal ang kanyang ‘haters’

Samantala, hindi naman nakapagpigil si Andi at sinagot niya ang kanyang “haters” na tinawag siyang ‘losyang’ at ‘pinapabayaan ang sarili’.

Sa kanyang Instagram post, nag-post si Andi ng isang video kung saan ibinida niya ang kanyang pang-araw-araw na ‘look’ o ‘outfit of the day’ (OOTD).

Sa caption, nagpahaging si Andi sa kanyang haters.

Ayon kay Andi, wala siyang pakialam sa mga hindi gusto ang kanyang itsura o pananamit ngayon.

Para raw kasi sa kanya, komportable at chic ang kanyang sense of fashion ngayon.

Ani Andi, “Hat3rz would say, ‘pinabayaan ang sarili. Hindi man lang mag ayos…’ I would say.., komportable chìc! Or.. Qrated pangbahay realness! Pretty much the only thing I don’t do on purpose is forget my slippers.”

Andi, hindi pinagsisisihan ang desisyon na tumigil sa pag-aartista

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ilang taon nang naninirahan sa isla ng Siargao si Andi mula nang makarelasyon niya ang fiance niya ngayong si Philmar Alipayo.

Nauna nang sinabi ni Andi sa isang interview na hindi niya pinagsisihan ang desisyon niyang umalis sa showbiz.

Ibinahagi rin ni Andi na mas masaya siya ngayon sa kanyang simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya sa Siargao.

Aniya, “I enjoyed how my life turned out to be living on an island, meeting my partner now, and my family is slowly growing. I love the choices that I made but it doesn’t mean that I hated my life before.”

“I love my life right now because I get to make a compromise na, I’m living with my family, I’m happy living by the beach, and still get to do work — with us creating our vlogs and sharing our island life with everybody…” dagdag niya.

Bukod sa pagiging asawa at ina sa kanyang tatlong anak, abala rin si Andi sa mga negosyo nila ni Philmar sa Siargao.


0 comments:

Post a Comment