Monday, May 20, 2024

Kim Chiu, gusto umanong ligawan ng aktor na si Jake Ejercito

Gaano katotoo ang balitang bet umanong ligawan ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito ang actress at TV host na si Kim Chiu?

Kim Chiu, gusto umanong ligawan ng aktor na si Jake Ejercito
PHOTO : Kim Chiu and Jake Ejercito

Mainit na pinag-uusapan ng mga Marites ang tsikang gustong ligawan ni Jake si Kim.

Matatandaang single na ngayon si Kim matapos silang maghiwalay ng Kapuso actor na si Xian Lim after almost 12 years of relationship.

Marami ang nagulat sa paghihiwalay nila ni Xian dahil akala ng lahat na mauuwi rin sa kasalan ang kanilang relasyon.

Hanggang sa nagulantang ang marami nang mag-post si Kim noong December 23 at kumpirmahin na hiwalay na sila ni Xian.

Malaking palaisipan pa rin sa lahat ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Habang si Jake, matagal nang single at wala pang napapabalitang nakarelasyon mula nang maghiwalay sila ng dating aktres na si Andi Eigenmann.

May isang anak si Jake kay Andi na si Ellie na dalagang-dalaga na ito ngayon.

Jake Ejercito liligawan si Kim Chiu?

Usap-usap nga ngayon ang tsikang gustong ligawan ni Jake si Kim na naging leading lady niya sa series na “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen” at naging co-star naman niya sa seryeng “Linlang”.

Nagsimula ang tsika dahil sa isang ulat ng Bulgar Online ni Janiz Navida na pinublish nitong January 7.

Ang headline ng balita ay “May sasalo agad, Xian…JAKE, GUSTONG LIGAWAN SI KIM.”

Ibinahagi ng Bulgar na may nagsabi sa kanilang “type” umanong ligawan ni Jake si Kim.

Ayon pa sa kanila, “matindi” raw ang “tama” ni Jake kay Kim.

Ilang taon din umano kasing single si Jake pero ngayon, handa siyang ligawan si Kim.

Samantala, kung magkatotoo man ito, at sinagot ni Kim si Jake, tiyak pareho silang jackpot sa isa’t isa.

Pareho kasing accomplished na sina Kim at Jake.

Bukod dito, swerte si Kim kay Jake dahil wala itong babaero o cheater image. 

At hinahangaan pa dahil sa pagiging mabuting ama niya kay Ellie.

Pero ang tanong, ready na ba si Kim na muling buksan ang kanyang puso sa ibang lalaki matapos silang maghiwalay ni Xian?

Hindi rin biro ang tagal ng relasyon nila ni Xian.

Kaya hindi nakapagtataka kung matagal ang moving on process ni Kim Chiu dahil sa sinapit ng relasyon nila ni Xian Lim.


0 comments:

Post a Comment