Tuesday, May 28, 2024

Stell ng SB19, tinawag na “panget” ng mas “panget” sa kanya

Umani ng batikos mula sa fans ng SB19 ang social media influencer na si Stella Salle matapos nitong i-face shame o laitin ang mukha ni Stell Ajero.

Stell ng SB19, tinawag na “panget” ng mas “panget” sa kanya
PHOTO : SB19 Stell Ajero and Stella Salle

Nag-ugat ang isyu nang magkomento si Stella sa isang Facebook post na ibinida ang mukha ni Stell at may caption na “SB19 Stell face card”.

Stella Salle, tinawag na “panget” si SB19 member Stell Ajero

Sa caption ng kanyang shared post, tinawag na “panget” ni Stella si Stell.

Hindi rin dito nagtatapos ang panlalait ni Stella dahil matapos siyang dumugin ng fans ng SB19 na A’Tin ay muli niyang iginiit na “panget” si Stell.

Ayon pa kay Stella, hindi siya natatakot na sabihin ito.

Aniya, “Pero totoo naman talaga di ba panget siya natatakot lang kayo magsalita.”

Kasunod nito ay nakatanggap ng matinding backlash si Stella sa social media dahil sa panlalait niya sa itsura ni Stell.

Stella, tinanggal bilang ambassador ng Colourette Cosmetics

Nakarating din ito sa CEO ng local makeup brand kung saan isa si Stella sa mga ambassador na Colourette Cosmetics na si Nina Ellaine Dizon.

Mariing kinondena ni Nina ang panlalait ni Stella kay Stell.

Sa isang pahayag, iginiit ni Nina na matindi ang kanilang paninindigan laban sa bullying at shaming.

Dahil dito, inanunsyo nilang nakikipagkalas na sila kay Stella bilang ambassador ng kanilang brand.

Pahayag ni Nina, “Having faced public scrutiny for my appearance, I have always championed self-love and empowerment. These values are core to our beauty brands. Due to recent events with one of our ambassadors, Colourette takes a firm stance against bullying and shaming, and we are disengaging from Stella.”

“As brands that have embraced inclusivity since day one, Colourette and Fresh Formula believe in celebrating everyone’s beauty in all ways, always,” dagdag niya.

Stella, nag-public apology kay Stell

Samantala, noong Sabado, May 25, humingi ng public apology si Stella kay Stell at sa mga taong nasaktan sa kanyang pahayag.

Bahagi ng pahayag ni Stella, “Magandang araw po sa lahat. Gusto ko po sanang hingin ang pagkakataon na ito upang i- address ang mga disrespectful at inappropriate post na akin pong na-share gamit ang aking account.

“Unang-una po sa lahat, gusto ko pong humingi ng paumnahin direkta mismo kay Stell ng SB19 at sa mga taong nasaktan ko dahil sa aking mga pahayag. Ako po’y nagtatake ng full responsibility sa aking nagawang pahayag at naiintindihan ko po ang pwedeng maging impact nito kay Stell. Humihingi po ako ng sorry dahil maging ako po’y biktima rin ng bullying dahil sa aking physical appearance at immature pong maituturing na gawin din ito sa ibang tao.

“Gusto ko rin po sanang humingi ng tawad sa mga taong sumusuporta sa akin na aking na- disappoint. Alam ko pong masakit po sa inyong makita na ang taong sinusuportahan niyo’y ma- involve sa ganitong issue. Walang alam ang mga taong nakapaligid sa akin at nakadikit sa pangalan ko, buong puso ko pong inaako ang kasalanang ito, wag na po nating idamay ang mga taong walang alam sa negatibong pangyayaring ito.

“Hindi po ako gagawa ng kahit anong dahilan para depensahan po ang aking sarili dahil alam ko pong walang rason ang pwedeng makapag- justify ng mga salitang nabitawan ko. I-a-accept ko po ang ano man pong consequence ng action na ito. 

“Nangangako po akong hindi na ito mauulit at gagamitin ko po ito bilang leksyon upang mas ayusin pa ang mga content na aking pinopost. Bigyan niyo po sana ako ng pangalawang pagkakataon para po ma-improve ko po ang sarili ko.

Maraming salamat po at paumanhin pong muli.”


0 comments:

Post a Comment