Thursday, May 16, 2024

You Do Note Girl, binatikos sa kaniyang “Asoka Challenge”

BODY SHAMING – Nagsalita si You Do Note Girl tungkol sa mga negatibong komento na natatanggap ng kaniyang Asoka at Piliin Mo Ang Pilipinas challenge entries.

Patok na patok ngayon ang Asoka at Piliin Mo Ang Pilipinas challenge sa lahat ng social media platforms, kaya naman nagsilabasan ang kanya-kaniyang entries ng bawat social media personalities, influencers o maging mga celebrities.

Isa na sa kumasa sa mga challenges na ito ay si Majo Lingat o mas kilalang “You Do Note Girl”, ngunit nakatanggap ng samu’t-saring body shaming na mga komento ang dalaga dahil sa unshaved armpit nito.

Sa ngayon ay hindi na “big deal” para sa atin ang mga babaeng hindi nag sha-shaved ng kanilang mga kili-kili pero marami parin sa atin ang nangba-body shame sa tuwing nakakakita sila ng buhok sa kili-kili lalong lalo na sa mga kababaihan.

Marami naman sa mga netizens ang nagtanggol kay You Do Note Girl dahil iba na umano ang standard ng beauty sa panahon ngayon, hindi na sa pakinisan ng kili-kili o kahit sa pagandahan ng katawan.

Narito naman ang komento ng mga netizens:

“iba na ho ngayon ang standard ng beauty, normal nalang sa ngayon sa mga babae ang may buhok sa kilikili, sadyang makikitid lang talaga ang mga utak ng tao ngayon lalo na sa social media, hindi dahil influencer sikat artista ay perfect na, please YOU DO NOTE THAT.”

“napansin ko nga yung kilikili niya pero for me ok lang yan. basta walang amoy kahit makulimlim”

“hindi na bigdeal kung maitim o maputi ang kilikili ng isang tao, ang importante walang tinatapakang tao.”

“biglang dumilim yung paligid sa aSUKA challenge na ito, nangangamoy SUKA na datu puti tuloy”

Sa kaniyang social media, ipinagdiinan at nilinaw ni Majo na lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng diyos at walang pagkakaiba ang bawa’t isa.

“Pare-parehas lang tayong nilikha ng Panginoon sa kanyang wangis. Wala tayong pinagkaiba. Tayo lang ang nag-iisip ng hindi maganda sa kapwa natin,” ani You Do Note Girl.

Kung matatandaan, sumikat si Majo Lingat dahil sa pag dubbed nito sa mga linya na nagmula sa afternoon show ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto” noon, dito na siya nakilala bilang si “You Do Note Girl” dahil sa mga linya na kaniyang binitawan.

“You do note the liar is my peyk. Is the Cassie in peyk. Hindi siya mukhang dragon. Is this my liar is na make is the peyk in my life. Oo, Cassie.”

[BODY SHAMING : the action or practice of mocking or stigmatizing someone by making critical comments about the shape, size, or appearance of their body.]


0 comments:

Post a Comment