Sunday, June 2, 2024

Ion Perez, nangakong mamahalin si Vice Ganda hanggang 2090

Nangako ang It’s Showtime host na si Ion Perez na hanggang sa taon na 2090 niya mamahalin ang komedyanteng si Vice Ganda.

Hindi maitatatwa na nakaraang taon (2023) ay naging isa sa pinaka-challenging year sa pagsasama ng real-life LGBTQIA+ celebrity couple na sina Vice at Ion dahil sa maraming kontrobersiya na kanilang kinaharap.

Vice Ganda at MTRCB

Isa rito ang kinasangkutan nilang isyu sa MTRCB kaugnay sa umano’y malaswang pagtikim nila ng icing sa It’s Showtime segment na “Isip Bata”.

At ito ang naging sanhi ng dalawang linggong pagkakasuspinde ng kanilang programa na It’s Showtime.

Kaugnay pa rin sa icing issue, sinampahan ng kaso ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas sina Vice at Ion dahil sa paglabag nila sa Article 201 ng Revised Penal Code in relation to Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan, going strong pa rin ngayong 2024 ang real-life LGBTQIA+ celebrity couple na sina Vice at Ion.

Sa katunayan, nanumpa sila na ang kanilang pagmamahalan ay mananatiling matatag hanggang sa taong 2090.

Ito ang pangako ni Ion kay Vice sa kanyang social media post ngayong taon.

Ipinost ni Ion ang ilan sa pinakamasayang at hindi malilimutang moments nila ni Vice noong nakaraang 2023, kasama na ang mga compilation ng mga video nila habang nagbabakasyon sa ibang bansa.

Caption niya rito, “Until 2090! MuhLOVE Welkam twenty twenty four!”

Tila na-touch naman si Vice sa post ni Ion.

Sa comment section, pabiro niyang sinabi na mag-aaral na siya kung paano mag-edit para hindi raw siya malamangan ni Ion sa pagpo-post.

Aniya, “Waaaahhhhhhh napakadaya!!!! Nalamangan mo na naman ako! Ang goal ko this 2024 ay matutong magedit para di ka nakakalamang sa posting! Bwak bwak bwak!!!!”

Kasunod nito, inihayag ni Vice ang kanyang pagmamahal kay Ion.

Idineklara rin niya na magiging magandang taon para sa kanilang mag-asawa, sa kanilang pamilya, at sa mga mahal nila sa buhay ang taong 2024.

Ani Vice, “I love you babe ko! This year will be an amazing one for us, our families, those we love and those who love us! Happy New Year asawa ko!”

Sa ngayon, 47 years old na si Vice habang si Ion ay 33 years old.

Kapag sasapit na ang 2090, nasa mahigit 100 years old na si Vice, habang 99 years old naman si Ion.

Samantala, isa sa mga inaabangan ng marami ngayong 2024 ay ang pagkakaroon ng anak nina Vice at Ion.

Mula noong nakaraang taon, bukas na ibinahagi nina Vice at Ion na plano nilang magkaanak sa pamamagitan ng surrogacy.

ViceIon personal life

Matatandaang na-engage sina Vice at Ion noong 2020.

Ion Perez, nangakong mamahalin si Vice Ganda hanggang 2090
PHOTO : Ion Perez and Vice Ganda wedding

Noong nakaraang taon, ibinunyag ni Vice na nagpakasal sila ni Ion sa pamamagitan ng commitment ceremony sa Las Vegas, Nevada, sa Amerika noong October 2021.


0 comments:

Post a Comment