Friday, June 28, 2024

Boy Dila na si Lexter Castro, pinadalhan ng bulaklak ng patay

Tila gumanti ang mga na-perwisyo ni Lexter Castro o Boy Dila matapos basain ang mga motorista gamit ang water gun sa “Wattah Wattah Festival” sa San Juan.

Sunod-sunod na dumating sa kanyang tahanan ang maraming delivery riders dala ang mga order na hindi pa bayad, gamit ang kanyang pangalan at address.

Lexter Castro (Boy Dila), pinadalhan ng bulaklak ng patay

Sa video na ibinahagi ni Lexter sa Facebook, makikita ang dagsa ng mga delivery riders, mula sa sandamakmak na food delivery hanggang sa mga materyales sa paggawa ng bahay, lahat ipinadala ng mga taong may galit sa kanya.

Boy Dila na si Lexter Castro, pinadalhan ng bulaklak ng patay
PHOTO : Lexter Castro AKA Boy Dila

Hindi lang ito, pinadalhan pa siya ng bulaklak para sa patay, isang malinaw na pahayag ng galit ng mga tao.

Ngunit sa kabila ng lahat, iginiit ni Lexter na ang mga delivery riders ang tunay na naapektuhan, hindi siya. 

Aniya, “Sino mas tarantado? Kayo ang namemerwisyo. Inoorder nyo yung grab dito, pinapangalan nyo sa kin.”

Dagdag pa niya, “Pinadalhan nyo pa ko ng pang patay na bulaklak kala nyo matatakot ako.”

Isang netizen naman ang naglabas ng kanyang saloobin sa ginawa ng mga taong may galit kay Lexter.

Aniya, “KUNG GALIT KAYO SA TAO KAY (LEXTER CASTRO) HWAG NYO NA IDAMAY KAMING MGA NAGTATRABAHO N MAAYOS.. NAKAKAABALA  KAYO KAWAWA MGA SELLER AT RIDER SA INYO..”

Lexter Castro (Boy Dila), maraming naperwisyo dahil sa basaan sa San Juan

Samantala, nanindigan si Lexter na walang mali sa kanyang ginawa, at sinabing normal na gawain tuwing pista sa San Juan ang pagbasa sa mga motorista. 

“So unang-una ha, di ko sinaktan si Manong, binasa ko lang siya. Nagpaalam ako sa kanya. ‘Kuya, babasain kita.’ Sabi niya, ‘Hindi pwede kasi may meeting siya.’ Eh, binasa ko pa rin. Fiesta eh. Huwag kayong dadaan ng San Juan kapag June 24. Alam ng mga taong bayan yan,” ani Lexter, sabay labas ng dila.

Kung matatandaan marami ang naperwisyo sa Basaan sa San Juan na tradisyon na tuwing pista ni  St. John the Baptist kada June 24.

Sa social media, isang pasahero ng jeep na nabasa rin sa pista ang naglabas ng kanyang galit matapos mabasa ang kanyang gadgets.

Buong post ng netizen:

“Hanggang ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi galit.

“Nasira ang laptop at cellphone ko dahil sa mga iskwater ng San Juan na pinag-tripan yung jeep na sinasakyan ko at ng maraming tao.

“Pinigilan nila yung jeep namin. Gusto na silang banggain ng driver pero binuhusan nila bigla ng isang tabong tubig sa mukha yung driver. Buti nga hindi nya naapakan yung pedal dahil baka may mas malaking aksidente pang nangyari.

“Yung mga students na kasabay ko, walang nagawa kundi umiyak nalang. Yung mga documents na hawak nila ay basang-basa. Magpapasa sana sila ng requirements for university pero yung school card, good moral, diploma, at birth certificates nila ay nabasa.

“Yung batang katabi ko, muntikan pang malunod dahil walang tigil yung pambabasa na ginawa ng mga tao sa paligid ng jeep namin. May isang malaking drum na bigla nilang binuhos sa bintana kung saan nakaupo yung bata. Sigaw nang sigaw yung nanay nya, pero tawa lang nang tawa yung mga basurang tao na nasa labas ng jeep.

“Gusto kong magwala at manakit nung araw na yon. Kung may dala lang akong armas, baka kung ano na nagawa ko dahil nagdidilim talaga paningin ko sa galit.

“40,000 pesos ang laptop ko. 23,000 pesos ang cellphone ko. Sino ngayon ang sisisihin at sisingilin ko? Sino ang dapat managot sa lahat ng mga sinira ng mga basurang tao na nambabasa sa kalsada?

“F**k San Juan Festival. Sana maglaho yang fiesta na yan.


0 comments:

Post a Comment