Wednesday, June 12, 2024

Ina, binenta ang kambal na anak para pambayad sa credit card loan

CHINA – Usap-usapan sa social media ang 20 years old na ina matapos nitong ibenta ang kaniyang mga anak para pambayad lang sa utang at pambili ng cellphone.

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling anak balang araw, tinatawag rin natin ang mga sanggol na biyaya na mula sa Panginoon.

Ngunit marami rin sa atin ang anak ng anak pero hindi kayang magpaka-magulang, hindi nila iniisip ang kapakanan ng kanilang mga anak at iniisip lamang nila ang kanilang mga sarili.

Ina binenta ang kaniyang anak

Gaya na lamang sa isang 20-anyos na Ina mula sa Cixi City, Zheijang Province, China, isinilang niya ang kambal na mga sanggol ngunit imbes na ito ay kaniyang alagaan nagawa niya itong ibenta.

Ina, binenta ang kambal na anak para pambayad sa credit card loan
Ina, binenta ang kambal na anak para pambayad sa credit card loan

Ang kambal na mga sanggol ay parehong mga lalaki, ang isa ay nabenta niya sa halagang Php316,370 at ang isang kambal naman ay nabenta niya sa halagang Php140,609.

Katwiran pa ng ina, napag-isipan na lamang niyang ibenta ang kaniyang kambal na mga anak dahil sa lumulubo nitong mga utang.

Malaki umano ang kaniyang utang sa credit card na kailangan agad na mabayaran, matapos niyang mabayaran ang lahat ng kaniyang utang ay bumili rin ito ng mamahaling cellphone.

Nasaan ang ama ng kambal?

Matapos ibenta ng ina ang kaniyang kambal, agad na nakarating sa ama ng kambal ang ginawang pagbebenta sa kaniyang mga anak.

Dito na sila nag-talo hindi dahil binenta ang mga sanggol, kung hindi dahil gustong makihati ng ama sa pera na napagbentahan ng kanilang mga anak.

Ayon pa sa ama ng mga kambal na kailangan niya rin magbayad ng kaniyang mga utang matapos itong matalo sa sugal.

Matapos kumalat ang mga balita tungkol sa pagbebenta sa kambal para lamang pambayad sa utang at pambili ng mga gadgets, naging alerto ang awtoridad at agad na dinakip ang mag-asawa.

Nabawi rin ang kambal mula sa mga bumili nito at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng kanilang Lolo at Lola.


0 comments:

Post a Comment