Saturday, June 1, 2024

Barbie Imperial, ginagaya umano si Sarah Lahbati ayon sa netizens

Usap-usapan sa social media ang pangga-gaya umano ng aktres na si Barbie Imperial sa ex-wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

Kung matatandaan, kinumpirma ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz na “exclusively dating” na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Richard Gutierrez at Barbie Imperial spotted

Matagal nang nali-link sa isa’t isa sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Unang beses silang namataan o spotted na magkasama noong January sa isang bar sa Alabang.

Pangalawa naman ay noong May 27, matapos mag viral ang mga litrato ng dalawa na namamasyal sa isang sikat na street food at shopping district sa South Korea na Myeong-dong.

Pangatlo, ang larawan na ibinahagi ni Barbie sa social media habang nag wowork-out ito sa isang Gym at nasa likod ang aktor na si Richard.

Kaya naintriga ang maraming netizens sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa o kung ano talaga ang namamagitan sa kanila.

Esther Lahbati natawa sa komento ng isang netizen

Samantala, may reaksyon si Esther Lahbati, ang ina ni Sarah ang ex-wife ni Richard tungkol sa larawan na ibinahagi ni Barbie Imperial sa social media.

Inakusahan ng mga netizens na ginagaya umano ni Barbie si Sarah Lahbati, ngunit agaw pansin ang naging sagot na ina ni Sarah na si Esther.

Sa nasabing social media post ni Barbie noong April 22, 2024, makikita na naka-culinary uniform ang dalaga, ito rin ang suot ni Sarah noong June 1, 2023 habang sila pa ni Richard Gutierrez.

Sarah Lahbati post (June 1, 2023)

Barbie Imperial, ginagaya umano si Sarah Lahbati ayon sa netizens
PHOTO : Sarah Lahbati

Barbie Imperial post (April 22, 2024)

Barbie Imperial, ginagaya umano si Sarah Lahbati ayon sa netizens
PHOTO : Barbie Imperial

Barbie ginagaya umano ang ex-wife ni Richard na si Sarah Lahbati?

Samantala, may isang netizen naman ang nakapansin sa mga larawan ni Barbie Imperial at hinalintulad ito sa post ni Sarah noong nakaraang taon.

Ani ng netizen : “Pwede naman syang magwhite. Kaso obvious naman na ginagaya nya si sarah. Hindi naman yung white dress issue dito eh. Kundi nanggagaya si barbie. Idol mo ba si barbie?”

Nakakaloka naman ang naging sagot ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati tungkol sa patutsada ng netizen na nanggagaya umano ng style si Barbie.

Barbie Imperial, ginagaya umano si Sarah Lahbati ayon sa netizens
PHOTO : Netizen comment and Esther Lahbati replies

Sa ngayon ay wala pang sagot si Barbie tungkol sa paratang sa kaniya ng mga netizen.


0 comments:

Post a Comment