Thursday, June 6, 2024

Nikko, sinupalpal si Vice matapos pinahiya si Axel at Christine

Naglabas ng saloobin ang former hashtag member na si Nikko Natividad dahil sa isyu na kinakaharap ni Vice Ganda ngayon kina Axel Cruz at Maria Christine.

Kung ating babalikan, binatikos ng maraming netizens ang searchee na si Axel Cruz sa isang segment ng It’s Showtime na “EXpecially For You” noong May 31.

Christine sa It’s Showtime: “Pinagmukha n’yo akong sinungaling”
PHOTO : Christine and Axel Cruz

Nagsimula ang lahat dahil sa tangkang paghalik umano ni Axel sa isang searcher na si Maria Christine matapos matanggal si Axel sa pinagpipilian na mga contestants.

Una, binigyan ng pagkakataon ng It’s Showtime hosts na makapagbigay ng mensahe si Axel para kay Christine.

Dito na nilapitan ni Axel si Christine para magkipag-high five at biglang nilapit niya ang kaniyang mukha kay Christine para umano bumeso.

sa isang anggulo ng kamera, parang akma na hahalik si Axel kay Christine, dahil dito biglang nagsalita ang komedyanteng si Vice Ganda para pangaralan si Axel.

Ani Vice : “Oy, hindi pwede yun, that’s bad!

“Don’t do that, you ask for permission. Alam mo bang pwede kang mademanda sa ginagawa mo? Don’t do that, hindi ka pwedeng biglang nagnanakaw ng halik,” babala ni Vice.

Kaya naman, dito na umingay ang mundo ng social media dahil sa paninita at pamamahiya umano ni Vice kay Axel habang live ito sa free TV.

Tinawag rin ng mga netizens na “Nakaw na halik” ang nangyari sa naturang segment, matapos mag viral ang usapin na ito sa social media, agad na naglabas ng kaniyang statement si Axel tungkol sa nangyari.

Paglilinaw ni Axel na hindi niya hahalikan si Christine sa halip ay makikipag beso lamang ito at makikipag “BroCode”.

Ani Axel : “Hello everyone, Gusto ko lang i-clear at clarify about sa segment ng its showtime ng expecially for you.

“Una sumali ako for fun lang then go with the flow sa mga kulitan at asaran tapos nung time na mag mememeet na kami nung girl yung mga hindi nya pinili ay papalapit palang ako ay naka handa na umapir ang kamay ng girl sakin.”

Hindi hahalikan ni Axel si Christine

Nilinaw ni Axel na hindi niya hahalikan si Christine, ngunit dahil sa mabilis na pangyayari at sa maling anggulo ng kamera, makikitang umiwas ng bahagya si Christine kay Axel.

Paglilinaw ni Axel : “Then nag apir kame after ng apir is shake hands ko sya, ang gagawin ko dapat ay yung ginagawa ng karaniwan its a ‘BroCode’ after shake hands dikit balikat eh umiwas si girl.

“Akala nya kikiss ko sya or beso again im not intended to kiss her, and yung angle ng cam akala hinatak or pinilit ko, nakaupo po sya nun hindi maabot kaya ganun ang nangyare.

“After that meme vice call out na bawal daw ang ginawa ko to trying kiss or nakawan sya ng halik, nablanko na ako non di ko na alam gagawin ko,

“Im sorry if may mali man ako nagawa or mali sa paningin nyo pero para saakin its just like a brocode, and kay ate girl sorry kung nagulat ka or na feel mo na kikiss kita hindi ko intensyon yun.

“And to the whole cast of showtime super grateful to be part of this segment thankful padin ako lalo na kay meme vice please stop bashing her nagulat lang din siguro sya,” dagdag pa ni Axel.

Christine, nilinaw ang isyu tungkol kay Axel Cruz sa isang TikTok video

Matapos lumikha ng ingay ang kantrobersya na kinasasangkutan ni Vice, Axel at Christine, naglabas ng pahayag ang searcher (Christine) para linawin ang isyu nina Axel at Vice.

Ani Christine : “Hi guys! Ako nga pala si Christine. so, kanina paggising ko eh nakita ko itong video na to.” panimula ni Christine.

“Tapos, nabasa ko sa comments na yung iba galit, tapos yung iba naman naiintindihan talaga at nakikita nila na wala naman talagang ginawang mali si Axel.

“Ang totoo ako po kasi niyan, wala naman po talagang balak si Axel na ibeso ako. tsaka hindi ko talaga naramdaman na gusto niya akong ibeso,

“Kasi po ang nangyari di ba, inapiran ko siya. tapos, parang gusto niya akong i-hug. tapos, since naka-upo ako, ang awkward ng position.

“Ang feeling ko kasi na gusto niya gawin, iha-hug niya ako, tapos ita-tap niya yung likod ko. para yung comfort, ganun, parang tropa.

“Iga-ganyan niya. Kaya yun, yumuko siya na banda dito [sa shoulder], kasi itatap niya nga siguro ako e. Parang mag-tropa.

“Pag-tropa di ba, pag halimbawa yung tropa mo, malungkot. Ganun ka mag-ano di ba? ‘Okay lang yan beh,’ ganyan. Tapos, di ba, yung position na yun, parang na-misinterpret ng mga host yun.”

“To clarify lang po, wala po talagang nangyaring halik. Wala pong nakaw na halik na nangyari. Parang comforting lang po talaga, since emotional ako nung segment.” dagdag pa ni Christine.

Vice, humingi ng sorry kay Axel sa isang tweet

Kasunod nito ay nag-sorry si Vice kay Axel dahil sa mali niyang reaksyon sa ginawa nito kay Christine.

Ani Vice sa kanyang Tweet, “Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy.”

Vice, binawi ang sorry kay Axel

Ngunit bigla ngang binawi ni Vice ang kanyang sorry para kay Axel.

Sa panibagong pahayag ni Vice sa It’s Showtime, iginiit niyang totoong na-off si Christine sa ginawa ni Axel.

Ayon kay Vice, muli nilang pinag-usapan ang nangyari kasama ang lahat ng host, staff, psychologist. Muli rin umano nilang nakausap sina Axel at Christine.

Ibinunyag ni Vice na inamin ni Christine sa kanila na totoong na-off siya sa ginawa ni Axel.

Dahil dito, kaya paninindigan umano nila ang kanilang ginawang pag-call out kay Axel.

Ani Vice, “At dahil po do’n, gusto ko pong sabihin na binabawi ko ‘yung tiniweet ko na I will say an apology because I do not need to apologize. Ito po ang aking paniniwala at paniniwala rin namin na hindi ko kailangang mag-apologize because what we did is right.”

Vice Ganda, pinalabas na nagsinungaling si Christine

Nabanggit din ni Vice na may dahilan si Christine kung bakit ito nagsinungaling sa kanyang TikTok video.

Ani Vice, “Sinabi niyang talaga namang na-off siya at meron siyang naramdaman na hindi siya kumportable sa ginawa ng searchee. Meron siyang dahilan kung bakit niya ‘yon sinabi sa Tiktok na hindi na rin ho namin isi-share.

Patuloy ni Vice, “Nirerespeto namin ang dahilan ni Christine na sinabi niya ‘yon na hindi siya na-off when in reality, na-off talaga siya. And since na-off si Christine, naniniwala ako na hindi maling kinoll-out namin si Axel dahil karapatan ng isang babae na tumanggi o umalma kung sa pakiwari niya, hindi siya komportable.”

“At bilang main host ng segment na ‘yon, it was my choice to call out. Dahil kung hindi ko rin ginawa ‘yon, bakit ko hinayaan. Ginawa rin po namin ‘yon para protektahan ang amimg guest na hindi matapakan ang kanyang boundary bilang isang babae,” diin ni Vice.

Christine, iyak ng iyak matapos nagmukhang sinungaling sa madlang pipol

Ngunit umalma si Christine sa pahayag ng It’s Showtime.

Sa Facebook post ng nagpakilalang kapatid ng ex-boyfriend ni Christine na si Jhelo Bernabe, iginiit niyang pinagmukhang sinungaling ng It’s Showtime si Christine.

Caption ng post ni Jhelo, “NAKAKAAWA SI CHRISTINE TOTOO TALAGA YUNG SINABE NYANG STATEMENT , GRABE KAYO SHOWTIME!!!!”

Kasunod nito ay ipinakita ni Jhelo ang video ni Christine na umiiyak habang kausap ang isang staff ng It’s Showtime na kinunan pagkatapos lang ng pahayag ni Vice.

Maririnig sa video na sinabi ni Christine na pinagmukha raw siyang sinungaling ng It’s Showtime.

Totoo raw kasi ang lahat ng kanyang sinabi sa kanyang TikTok video pero sinabi ng It’s Showtime na totoong na-off siya sa ginawa ni Axel.

Pilit din kinokontra ni Christine ang staff ng It’s Showtime.

Ani Christine, “Pero kasi mas lalo niyo silang binigyan ng dahilan para maibash ako. Pinagmukha ninyo akong sinungaling. Paano naman po ako?”

Itinanggi naman ito ng staff ng It’s Showtime.

Saad pa ng staff, “Okay hindi yan ang totoong nangyari. Hindi yan ang intensyon.”

Pero giit ni Christine, napanood niya ang video ng statement ni Vice, at hindi kaya ng konsensya niya na magsinungaling.

Ani Christine, “Napanood ko po yung video na yun […]  Hindi ko kasi kaya. Hindi nga po kaya ng konsensya ko na magsinungaling eh. Tapos yun po yung napanood ko. Isipin niyo po ang sitwasyon ko.”

Nikko Natividad, sinupalpal si Vice Ganda sa pamamagitan ng social media post

Para naman kay Nikko Natividad, former Hashtag member ng It’s Showtime, sobra umanong napahiya si Axel matapos itong pagsabihan na tatadyakan at pweding kasuhan sa live segment ng It’s Showtime.

Binigyang diin rin ni Nikko sa isang post na alam niya ang pakiramdam ng napapahiya sa TV at napapowertrip base sa naging experienced niya.

Ani Nikko : “Sobra lang kasi napahiya yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan.

“(Again sakin lang po ito ha ) ALAM KO KASI PAKIRAMDAM NG PINAPAHIYA SA TV AT NAPOPOWERTRIP BASE SA EXPERIENCE KO.

Nikko, sinupalpal si Vice matapos pinahiya si Axel at Christine
PHOTO : Nikko Natividad post about Vice, Axel and Christine

“Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila ma experience at ng exposure pero sobrang trauma yung nakuha nila.” ani Nikko.

Binigyang diin rin ni Nikko na madali lang umanong lusutan ni Vice ang gusot na pinasok ng komedyante gamit ang isang magic word na “charot“.

Dagdag pa ni Nikko : “Lalagyan lang nya ng charot sa dulo lulusot na yan..”

Nikko, sinupalpal si Vice matapos pinahiya si Axel at Christine
PHOTO : Nikko Natividad post about Vice, Axel and Christine

Sa ngayon ay burado na ang mga posts na ito ni Nikko sa social media.


0 comments:

Post a Comment