Friday, June 21, 2024

Standee ng ama ni Ser Geybin, ginawang katatawanan ng netizen

Viral ang komento ng netizen na nagngangalang Rhaffy John Licop sa family picture ng Capinpin family na kuha noong graduation ni Ser Geybin.

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa maraming netizens ang komento ng isang netizen tungkol sa yumaong ama ng sikat na vloggers na sina Ser Geybin, Allen, at Kelzy Capinpin o mas kilala bilang Capinpin brothers.

Sinabi kasi ng netizen na kung payag ba raw ang isang tao na mayaman sila pero ang papa nila ay “karton”.

Aniya, “Payag ka mayaman kayo pero papa mo karton”

Standee ng ama ni Ser Geybin, ginawang katatawanan ng netizen
PHOTO : Raffy Licop’s comment on Ser Geybin’s family picture

Ang tinutukoy na karton ng netizen ay ang standee ng yumaong ama ng Capinpin brothers.

Ama ng Capinpin brothers, pumanaw

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi na naabutan pa ng ama ni Capinpin brothers ang graduation ni Ser Geybin noong nakaraang taon.

Matatandaang pumanaw noong 2022 ang kanilang ama na si Pedro dahil sa karamdaman.

Kaya naman tanging standee o human-sized picture lamang ng kanilang ama ang kasama ng Capinpin family sa nasabing picture.

Matatandaang sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ng Capinpin brothers na isa ang kanilang yumaong ama sa mga humikayat sa kanila na ipagpatuloy ang pagba-vlog.

Isa rin umano sa hiling ng kanilang ama ay ang i-vlog ang pagpanaw nito.

Ani Ser Geybin, “Pero ‘yun po ‘yung hiling niya. Binibiro niya ako na, ‘Kapag namatay ako, i-vlog mo ko.’ Para hindi siya makalimutan. ‘Yung binayaran namin sa funeral halos nasa 140,000 to 150,000. Nagulat kami nu’ng kinita ng video na ‘yun nasa 150,000.”

Ikwenento rin ni Gavin na inilagay nila sa bawat sulok ng kanilang bagong bahay ang standee ng kanilang ama para lagi nila itong makita at maalala.

Reaksyon ng mga Fans nina Ser Geybin

Samantala, pumalag ang maraming fans ng Capinpin brothers sa “insensitive” comment o joke ng nasabing netizen.

Ayon pa sa ilang fans nina Ser Geybin, mukhang hindi pa naranasan ng nasabing netizen ang pakiramdam na hindi na kasama ang mahal niya sa buhay sa isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay, o ang mawalan ng mahal sa buhay.

Komento ng fans ng Capinpin brothers:

“Luuuh?! Sana okay lang kayo. Gawin bang katatawanan to? Ang insensitive ha? Apektado ako kasi wala na rin akong Papa. At kung ako rin kay Ser Geybin, agawan ko rin ng standee si papa para kasama pa rin siya sa picture. Nagawa niyong katatawanan yung pagmamahal ng anak sa magulang niyang wala na.”

“Hindi sya dapat e content po kasi masakit kung mamatayan ng mahal sa buhay ,. Ma feel mo po yan kung mamatayan ka nang magulang”

“Sino b may gusto mawala ng mahal sa buhay kahit kariton pa yan ok lng at least hindi nawawala memories ng magulang”

“Alam mo ba kung ano ang kwento sa likod ng kartong tatay na yan.  Nag sikap sila para matupad yung pangarap ng tatay nila para sa pamilya nila.  Kaya kung inggit ka mag pakarton kana din para yumaman ka”

“ipinapakita lang nman nila na kahit wala na ang papa nila eh. hnd parin nila to na kakalimutan kahit karton lang sa pamamagitan non kasama parin nila ang papa nila dahil ganon nila to kamahal..kaya respeto lng”


0 comments:

Post a Comment