Tuesday, June 4, 2024

Vlogger, tumanda ang mukha matapos gumamit ng skin care

Tumanda at nagka-wrinkles ang mukha ng vlogger na si Benjamin Madiza matapos itong gumamit ng skin care products na nabili niya online.

Ayon kay Benjamin, mabilis umano ang mga pangyayari dahil kahit kakatapos lang niyang gamitin ang isang facemask ay agad na kumulubot ang kaniyang mukha.

Sa kaniyang panayam sa 24 oras, dito ibinahagi ni Benjamin ang naging trauma sa kaniya ng pangyayari, nagsilabasan umano ang mga wrinkles at namaga ang kaniyang buong mukha.

Aniya : “Pagkatapos, pagkatanggal ko po ng face mask na yun po, nakita ko na po yung pagbabago sa mukha ko, so na-trauma ako.”

Skin care gone wrong

Ayon pa sa kaniya, hindi naman masakit pero ramdam ng vlogger ang manhid sa buo niyang mukha.

Skin care gone wrong talaga dahil sa gusto ni Benjamin na ma-achieve ang glass skin ay nagmukha siyang tumanda ng 60 years old.

“Parang namanhid po siya. Pero ano po, nararamdaman ko lang po yung ano, yung cool no?” ani Benjamin.

Tumanda ang mukha dahil sa face mask

Aminado ang vlogger na first time niyang sinubukan ang face mask noong May 27 taon sa kasalukuyan at ganun na lamang ang naging reaksyon ng produkto sa kaniyang mukha.

Agad na nag-viral ang naturang video at umani ng milyon-milyong views sa social media.

Panagawan naman ni Benjamin na maging aware umano ang publiko sa mga produkto na ginagamit nila sa kanilang mga katawan at maging sa kanilang mga mukha.

Aniya : “Natakot po ako sa mukha kong tumanda, kumulubot.

“Bilang content creator, magiging informative po yun para sa lahat na kailangan, yung mga may skin ano po, sensitive po, maging aware po sa mga ginagamit nila.” dagdag pa ng vlogger.

Vlogger, tumanda ang mukha matapos gumamit ng skin care
PHOTO : Benjamin Madiza

Dermatologist reaction

Ayon sa dermatologist na si Dr. Gwen Bagay-Matias, baka umano nagka allergy reaction ang balat ni Benjamin dahil sa produkto na ginamit niya na hindi hiyang para sa kaniya.

“Baka hindi siya hiyang dun sa product na ginamit niya kaya ayun, nag-react yung skin niya, namaga talaga siya.” panimula ng dermatologist.

“So nagmukha siya na wrinkled na nagmukha siyang matanda.

“Yung mga allergen, nagpo-produce siya ng mga histamine na puwede magpamaga ng mga daanan ng hangin. dagdag pa niya.

First Aid and Skin test

Bago gumamit ng mga produkto, maiging kumunsulta muna sa mga eksperto at gawin ang skin test para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Kung kayo ay makakaranas ng gaya na lamang kay Benjamin, agad na tanggalin ang produkto na inapply sa mukha gamit ang tap water para hindi na lumala ang sitwasyon.

Alamin rin ang contents at ingredients ng mga skin care products bago ito gamitin o e-apply sa inyong balat o sa mukha.


0 comments:

Post a Comment