Thursday, August 22, 2024

CCTV footage ni Sandro Muhlach sa Hotel, inilabas ng NBI

Inilabas ng NBI (National Bureau of Investigation) ang CCTV footages ni Sandro Muhlach sa hotel, ang anak ng aktor na si Nino.

Ayon sa reports, ito ang mga CCTV footages na kuha bago at pagkatapos mangyari ang umano’y panghahalay ng dalawang GMA independent contractors kay Sandro.

Sa unang CCTV footage na ibinahagi ng NBI, July 21 (4:39 AM) makikitang umalis si Sandro ng kanyang kwarto at pagkatapos nito ay makikita naman ito na tumatawid sa kalsada papunta sa kabilang hotel.

July 21 ng 4:48 AM, nakunan si Sandro ng CCTV na umakyat ito papuntang 7th floor ng hotel kung saan naka-check in sina Jojo Nones at Richard Cruz, ang dalawang independent contractors ng GMA.

July 21 ng 5:24 AM, makikita naman ang isang room attendant sa CCTV na nagdala ng inumin sa kwarto ng mga suspek na sina Jojo at Richard habang 6:46 AM naman makikitang umalis na si Sandro sa hotel room nina Jojo at Richard pabalik sa kaniyang hotel.

Base sa CCTV footages na inilabas ng NBI, makikitang nag-iba na umano ang kinikilos ni Sandro noong lumabas na ito sa hotel ng dalawang independent contractors ng GMA.

Sandro and Nino Muhlach Senate hearing

Kung ating babalikan noong August 7, humarap sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach, habang sina Jojo at Richard naman ay hindi sumipot.

CCTV footage ni Sandro Muhlach sa Hotel, inilabas ng NBI
PHOTO : Sandro and Nino Muhlach Senate hearing

Napaiyak na lamang at naging emosyonal si Nino Muhlach dahil hindi niya akalaing magagawa ni Jojo kay Sandro ang panghahalay umano, lalo’t magkasama sila sa GMA sitcom na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”.

Ang mas nakakagalit pa umano ay parang binabaliktad pa nina Jojo Nones at Richard Cruz ang kanyang anak na nagkaroon ng matinding trauma dahil sa naranasan nitong insidente.

“Tapos ngayon binabaligtad pa ang sitwasyon? ‘Di ko sinasabing GMA. Binabaligtad ni Jojo at ni Richard ang nangyari sa mga comment nila sa mga press release nila,” ayon kay Nino.

“Nakakasama ng loob, kung sino may sala, ‘yan pa ang may ganang bumaligtad sa istorya. Kahit sinong ama o magulang ganoon din mararamdaman para kay Sandro.” dagdag pa ni Nino Muhlach.


0 comments:

Post a Comment