Ibinahagi ng pambansang marites na si Xian Gaza sa social media ang tunay na dahilan kung bakit takot na takot siyang umuwi sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, sinabi ni Xian na natatakot siyang umuwi sa ating bansa dahil naka-abang na umano ang mga malalaking tao na matagal na niyang naka-alitan.
Aniya : ‘Hindi po ako nauwi ng Pilipinas kasi takot akong ipatumba ng mga chenesmes kong malalaking tao. Yakang-yaka din nila akong ipa-setup kasi mabibigat ang mga koneksyon nila”
Ibinahagi rin ni Xian na wala siyang bad record o problema sa Philippine Immigration dahilan upang bawal siyang umuwi ng bansa, ipinagdiinan rin nito na allowed siyang mag-labas pasok ng Pilipinas kung gugustuhin man niya.
“Hindi worth it i-risk yung magandang buhay ko sa abroad. Legally speaking ay allowed po akong pumasok at lumabas ng bansa. Kahit ipa-check niyo pa sa Philippine Immigration.” ani Xian.
Xian Gaza scam issue
Matatandaang unang sumikat si Xian noong 2017, matapos siyang mag-public proposal sa aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard sa Maynila.
Matapos nito, naging usap-usapan siya matapos siyang hatulan noong 2018 dahil sa 11 kasong paglabag sa Anti Bouncing Check Law.
Anti bouncing Check law – otherwise know as the Anti-Bouncing Check Law was enacted on April 13, 1979 to provide deterrents against the crime of estafa through the issuance of bouncing checks. As provided in the law, any person convicted of the crime will be subject to a fine of not less than the amount of the check, but not more than double the amount of the check which shall not exceed a ceiling of P200,OOO.
Dito na nag-umpisa ang pagtawag sa kanya bilang “scammer” dahil sa mga paratang na nanloko umano siya ng ibang tao.
Sa ngayon, naninirahan sa Thailand si Xian.
Bukod naman sa kanyang mga kaso, kilala rin si Xian sa pagbabahagi ng mga “tsismis” o scoop tungkol sa mga kilalang artista at personalidad sa bansa.
Kalaunan, binansagan siya bilang “Pambansang Marites” ng Pilipinas.
0 comments:
Post a Comment