Wednesday, August 7, 2024

Video ng aktres na si Marian Rivera matapos nagmura, viral

Nag-viral at naging usap-usapan sa social media ang video ng “Kapuso Primetime Queen” na si Marian Rivera matapos itong nagmura.

Nawindang ang maraming netizens dahil sa lutong ng mga binitawang mura ni Marian.

Ang video ay ibinahagi ng GMA Network sa kanilang social media account.

Makikitang kuha ito sa presscon ng Cinemalaya movie ni Marian na “Balota”.

Marian Rivera, bumida sa pelikulang “Balota”

Ang nasabing pelikula ay isinulat at dinirek ni Kip Oebanda na prinoduce naman ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

Mula nang mag-premiere ito nitong nakaraang linggo, naging usap-usapan ang pelikula matapos itong makakuha ng kaliwa’t kanang papuri mula sa manonood.

Video ng aktres na si Marian Rivera matapos nagmura, viral
PHOTO : Marian Rivera in Balota

Ang Balota ay tungkol sa laban ng isang land-grabbing tycoon at dating male sexy actor para sa pagka-mayor.

Gumaganap bilang “Teacher Emmy” si Marian, kung saan malaki ang kanyang papel para masiguro na malinis ang eleksyon.

Nang pumutok kasi ang gulo sa pagitan ng dalawang partido, tumakbo sa gubat si Marian bitbit ang huling kopya ng resulta ng eleksyon o balota.

Viral video ng pagmumura ni Marian

Samantala, muling inulit ni Marian ang kanyang makapanindig-balahibo na linya sa pelikula kung saan malutong siyang nagmura.

Mapapanood sa video na nag-request pa si Marian na i-zoom ang video habang binabanggit niya ang mga salitang : “Paulit-ulit na lang put*ng*na!”.

Umani ng papuri ang madamdaming pagbigkas  ni Marian sa nasabing linya, dahil sinasalamin nito ang damdamin ng bawat Pilipino.

Para naman kay Marian, ang kanilang pelikula ay tila isang “wake up call” para sa Pilipino na protektahan ang kanilang mga boto at ang resulta ng eleksyon.

Aniya, “Siguro ang pinakamensahe no’n, nakikita naman natin kung anong nangyayaring mga proseso. Kung baga ito, ang pelikulang ‘Balota,’ ay wake up call para sa atin na ‘pag pinagsama-sama natin ang mga boto natin, mahalaga ito. Kaya nga sabi ni Teacher Emmy, ‘Sa araw na ito, malakas ang boses ko at pinakikinggan ako.’ So, sana ma-realize ng mga tao ‘yon.”

Marian, hindi kumuha ng double kahit masugatan sa eksena

Talagang napaka-espesyal para kay Marian ang pelikulang “Balota”.

Sa katunayan, ikwenento niyang hindi siya pumayag na magkaroon ng double dahil gusto niyang maramdaman ang bawat eksena.

Ani Marian sa isang panayam, “Sabi ko, ‘Direk, ayoko, ayoko [ng body double]. Kaya ko naman, grabe naman kayo sa akin.’ Sabi ko nga, ‘Na-miss ko ‘yung mga fight scene ko. Pag nag-eksena ka na, ‘yung adrenaline mo sa pag-arte mo, parang hindi mo na iisipin kung…’Ay masusugatan ako.’ Pag ganu’n ang inisip mo, parang hindi maganda ‘yung kalalabasan.”

“No filter talaga lahat eh. ‘Pag sinabi kong no filter, hitsura, lines at mga ginagawa. Lahat talaga, raw,” dagdag niya.

Mapapanood mula August 2 hanggang 11 ang pelikulang Balota sa mga sinehan.


0 comments:

Post a Comment