Tuesday, August 6, 2024

Ryza Cenon, napaiyak dahil sa ginawa sa kaniyang bagong bahay

Para kay Ryza Cenon, ang kanilang bagong bahay ay nagdala ng matinding stress at pagkabigo matapos lumabas ang mga sira nito.

Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay isang malaking hakbang para sa bawat pamilya.

Ito’y simbolo ng tagumpay at katuparan ng mga pangarap.

Mga Problema sa konstruksyon ng bahay ni Ryza Cenon

Sa kanyang pinakabagong vlog, kung saan nagbigay siya ng house tour sa kanilang bagong bahay, inamin ni Ryza Cenon na sobra siyang na-stress habang pinapagawa ang kanilang tahanan.

Ryza Cenon, napaiyak dahil sa ginawa sa kaniyang bagong bahay
PHOTO : Ryza Cenon house tour

Aniya, “Maraming nangyari. Mahigit dalawang taon sigurong ginagawa yung bahay. Nagkaroon din ng problema at basta, stressed ako. Buti na lang talaga nagpakalbo ako kung hindi lagas-lagas na yung buhok ko sa sobrang stress.”

Kwento niya, nagkaroon ng mga problema sa finishing ng bahay, na nagresulta sa paulit-ulit na pagbalik ng mga manggagawa upang ayusin ito.

“Maraming naging problema sa finishing at lahat. So, madaming binalikan, at ginawa ulit, at binalikan ulit,” dagdag pa niya.

Ayon kay Ryza Cenon, kahit natapos na ang kanilang bahay, hindi agad sila nakalipat ng kanyang non-showbiz partner na si Miguel Antonio Cruz at anak nilang si Night dahil marami pa silang kailangang ayusin.

Hindi pa rin umano kumpleto ang mga gamit dito dahil marami pang problema na kailangan ayusin.

May pagkakataon din na isang buwan silang tumira sa hotel matapos magkaroon ng bitak ang dingding ng kanilang bagong bahay.

Aniya, “Ang hirap kumpletuhin kasi palabas-pasok kami sa bahay. May mga times na hindi muna kami dito titira, magche-check in muna kami sa hotel dahil gagawin yung bahay dahil merong sira, o nagka-cracks yung walls o something.”

“So, medyo stress. Pero, well ganun talaga. Ganun ba talaga iyon? Hindi ko alam dahil first time kasi namin magkaroon ng bahay at magpagawa ng house,” dagdag niya.

Noong Pebrero sila lumipat sa kanilang bagong bahay, ngunit hindi nagtagal, marami silang natuklasang problema na kinailangang ayusin ng mga kontratista.

Aniya, “Lumipat kami nung Pebrero, then madaming naging problema na ginawa at pinalitan ng contractors. Ang dami kasing nag-crack na walls, meron din sa stairs. Nag-crack yung mga wood pati yung main door.”

Hindi happy sa kinalabasan ng kanyang bagonog bagay

Bagamat natapos na ang konstruksyon, ramdam pa rin ni Ryza Cenon ang pagkabigo sa kinalabasan ng kanilang bahay.

Aniya, “Medyo hindi kami ganon ka-happy sa naging outcome ng pinaka-finishing ng bahay.”

Para kay Ryza Cenon, ang kanilang bagong bahay ay tila isang ni-renovate na bahay sa halip na bagong gawa.

Aniya, “Pangit mang pakinggan pero parang hindi siya new house kung ide-describe mo kasi hindi siya malinis. Parang mukha siyang ni-renovate na house. Parang ganun yung feel.”

Dagdag niya, sa unang tingin ay maganda at kaaya-aya umanong tingnan ang kanilang bahay, pero sa malapitan ay mapapansing hindi pulido ang paggawa nito.

Aniya, “Kung titingnan niyo yung house sa malayo, maganda naman talaga siya—yung design, kulay, everything maganda naman po. Pero once na tiningnan niyo closely yung details ng house, yung finishing ng house, medyo hindi po ganun kapulido.”

Sa huli, pinayuhan ni Ryza Cenon ang netizens na pumili nang maayos na contractor kapag magpapagawa sila ng bahay.

Aniya, “Kapag kayo naman po yung nagpagawa, at least alam niyo na po yung first step, maging mapanuri sa pagkuha ng contractor.”


0 comments:

Post a Comment