Friday, August 23, 2024

Daniel Padilla, bibida sa bagong teleserye bilang action star

Viral sa social media ang teaser ng bagong kinabibilangan ng aktor na si Daniel Padilla na inilabas ng Star Magic sa social media.

Marami naman sa mga netizens at mga solid fans ni Daniel ang excited sa comeback serye nito dahil agad silang napa-komento sa sa video at agad na pinag-usapan sa social media.

Ang proyektong ito ay ang “Incognito” at sa inilabas na teaser ng Star Magic, makikitang kabilang rin sa nasabing proyekto sina Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings at Kaila Estrada.

Magsasanib pwersa rin sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez at Ian Veneracion sa nasabing serye.

Incognito ni Daniel Padilla, sinimulan na ang locked-in taping sa Palawan

Matapos inilabas ang teaser ng seryeng “Incognito”, this week naman ay lilipad na papuntang Palawan ang mga casts nito para sa Locked-in taping para mabuo ang serye.

Ang “Incognito” ay isa sa reunion project nina Daniel at Richard Gutierrez, dahil minsan na silang nagsama sa isang proyekto at ito ang La Luna Sangre na isang serye ng Kapamilya Network.

Daniel Padilla, bibida sa bagong teleserye bilang action star
PHOTO : Richard Gutierrez and Daniel Padilla

Kung ating babalikan, walang paligoy-ligoy na inihayag ng action star na si Rommel Padilla, ang ama ni Daniel na umaasa pa rin siyang magkakabalikan ang KathNiel.

Sinabi ni Rommel na normal lang sa isang relasyon ang dumating sa puntong nasusubukan ang tatag nito.

Aniya, “Talagang nangyayari ‘yan eh. Dumadating ‘yung puntong nagkakasubukan.”

KathNiel timeline

Labing-isang taon na naging magkarelasyon sina Daniel at Kathryn bago sila nagdesisyon na maghiwalay.

Matatandaang kinumpirma ng KathNiel ang kanilang hiwalayan noong November 30, 2023.

Nag-viral rin ang video ni Daniel na kuha sa kanyang 29th birthday celebration, kung saan hindi niya napigilang magmura habang kumakanta ng kantang “Hinahanap-hanap Kita” ng Rivermaya.

Batid ng marami na hindi pa rin nakaka-move on si Daniel sa hiwalayan nila ni Kathryn.

Ramdam din ng marami na nasasaktan si Daniel sa pagpapares ngayon kay Kathryn at Kapuso actor na si Alden Richards.

Ani Daniel, “P*tang i*a, may kapiling ka ng iba!”


0 comments:

Post a Comment