Pumalag ang maraming fans ng P-pop group na BINI dahil sa mga presyo ng ticket para sa upcoming concert ng grupo na “Grand BINIverse.”
Ang concert ng grupo ay naka-schedule sa November 16 at 17 na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Pero ngayon pa lang ay maraming fans na ang nagdadalawang-isip kung pupunta ba sila sa concert ng BINI dahil sa sobrang mahal ng mga ticket nito.
Nitong Lunes, inilabas ng concert organizer ang opisyal na presyo ng mga ticket, kung saan ang VIP Standing, na pinakamahal, ay nagkakahalaga ng 11,195 pesos, habang ang General Admission, na pinakamura, ay nasa 1,387 pesos.
Netizens, pumalag sa presyo ng BINI ticket sa Grand BINIverse concert: Sobrang mahal
Tumaas ang kilay ng maraming netizens, kabilang ang fans ng BINI dahil sa masyadong mahal ng presyo ng tickets.
Ayon pa sa kanila, tila overpriced o sobrang mahal daw ng tickets na parang malapit na raw sa presyo ng ticket ng mga bigating K-pop group gaya ng Blackpink at iba pang international artists.
Komento ng ilang netizens:
“you know what i hate? halos malapit na yung presyo sa blackpink pero wala namang involved na super malaking gastos sa logistics dito kasi sa qc lang yung abs at yung con. anuna teh???”
“Let it be known na home grown artists sell lower pricing for concerts domestically. Obviously iba na once they go int’l kase kasama na ang logistics, foreign artists fee, WHTs etc. It’s not that the girls don’t deserve this, malala lang talaga mag take advantage mga Pinoy.”
“funny kasi nasa around 8k lang usually yung mga concert ng kpop idols sa korea.. i don’t wanna compare pero ano ba kasi basis nila sa pricing dito”
“Eh pinaninindigan ang Korean imprint eh. Maski nga sa airport di ba may pa-mask mask pa sila. Hindi sila Grammy winners, di din naman global artists pa, yan na ang feeling worth nila.”
“Kakapal ng mukha sa ticket price e puro halos mga kabataan fans ng mga yan ung mga kabataan na nanghihingi pa ng baon sa mga magulang putcha haha..dinaig pa ung SUPER STAR SA TALENT HAHA”
“for a ppop group na supposedly pang masa and considering most of your fans are students? these prices are a joke. feeling kpop company kayo jan? ayusin niyo muna production and mga low quality merch niyo. grabe kayo manggatas sa fans, you never considered them lol”
Sana babaan ang presyo ng tickets ng Grand BINIverse concert
Umapela naman ang ilang fans ng BINI na sana ay ikonsidera ng organizer ang edad ng Blooms o fanbase ng BINI na karamihan ay mga estudyante pa.
Hiling nila na babaan pa ng organizer ang presyo ng mga ticket para makabili naman sila.
Komento ng netizens:
“sana i consider nila yung fanbase na kramihan estudyante pa, and sana hindi para add ons sa fast food ang soundcheck, package dapat yan sa VIP”
“Pag kpop or hollywood artist ticket wala reklamo agad agad bibili, pag sarili atin na reklamo agad hayy pinoy nga naman!”
0 comments:
Post a Comment