Isang Lolo ang humihingi lang sana ng tubig ang binigyan ng fried chicken meal ng isang mabait na supervisor.
Isang di inaasahang kabutihan ang naganap sa isang sikat na fast-food restaurant na umantig sa puso ng maraming netizens.
Ipinost ng isang Facebook user na nagngangalang Drew Buena ang kwento ng kabutihan na nasaksihan umano niya sa Jollibee Riverbanks, North Triangle, sa Marikina City.
Lolo, pinakain sa Jollibee
Sa kanyang post, ikinuwento ni Drew na nangyari ito noong June 20, alas-9:50 ng gabi, kung saan pumasok ang isang Lolo sa Jollibee at humihingi ng tubig.
Binigyan naman daw ng crew ang matandang lalaki kahit marumi ang damit nito at mukhang pulubi.
Sa katunayan, naka-dalawang baso pa nga raw ito.
Pero hindi umano niya inaasahan na lalapitan ng supervisor ng Jollibee na may pangalang “Khel” ang matandang lalaki.
At halip na bigyan lang ng tubig, binigyan ni Khel si Tatay ng isang meal na may kasamang dalawang servings ng kanin at dalawang piraso ng fried chicken.
Sa mga litrato na ibinahagi ni Drew, makikitang tila gutom na gutom si Tatay habang maganang kinakain ang ibinigay na pagkain ni Khel.
Reaksyon ng netizens
Agad na nag-viral ang post ni Drew at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Marami ang naantig sa simpleng kabutihan na ipinakita ni Khel at nagbigay ng papuri at pasasalamat sa kanya.
Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pag-asa na sana’y mas marami pang tao ang maging katulad ni Khel na handang tumulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit.
Nawawala pala ang si Lolo
Dahil sa viral post, napag-alaman ng mga netizens na ang Lolo na tinulungan ni Khel sa Jollibee ay si Tatay Pamfilo Amper, 70 anyos.
Ayon sa kanyang pamilya, dating driver si Tatay Pamfilo ngunit tumigil ito matapos magkaroon ng Alzheimer’s disease.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit lagi na lamang nawawala si Tatay Pamfilo.
Mahigit isang linggo na raw siyang nawawala at hinahanap ng kanyang pamilya.
Ang post ni Drew ang naging susi para matagpuan ng kanyang pamilya si Tatay Pamfilo at sila ay muling nagkasama.
Sa ganitong mga kwento, makikita natin ang tunay na halaga ng kabutihan at malasakit sa kapwa.
Ang simpleng pag-aabot ng tulong ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng iba.
Sana’y magpatuloy ang ganitong mga kwento ng kabutihan at inspirasyon sa ating araw-araw na pamumuhay.
Buong Facebook Post ni Drew Buena:
“June 20, Thursday, 9:50 PM, sa Jollibee – Riverbanks, North Triangle, Marikina City, naganap ang isang di inaasahang tagpo na umantig sa aking puso. Sa gitna ng gabi, pumasok si Tatay, humihingi ng tubig. Naka-dalawang baso pa nga siya, kitang-kita ang uhaw na uhaw na itsura.
“Tinanong siya ng supervisor kung kumain na ba siya. Malinaw na gutom na gutom si Tatay. Tinitingnan ko siya habang kumakain, dalawang rice at dalawang chicken ang naubos niya—isang spicy at isang regular.
“Tahimik akong kumuha ng ilang litrato, siniguradong walang makakahalata. Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Tatay, tila naging masaya ang kanyang gabi. Sa Jollibee, talaga namang bida ang saya. Sa nametag ng supervisor, nakita kong ‘Khel’ ang nakasulat. Malabo ang aking mga mata kaya halos sumampa na ako sa counter para lang mabasa. Hindi ko na tinanong pa ang crew, baka isipin nilang may reklamo ako.
“Napagtanto ko na ang kabutihan, kahit simpleng pagtanong o pagbibigay, ay walang kapalit na halaga. Ang tunay na kabutihan ay ginagawa ng pusong wagas at nagmumula sa kalooban. Ang ganitong mga simpleng bagay ang nagpapakita na ang kabutihan ay tunay na isang mahalagang katangian ng isang tao.”
0 comments:
Post a Comment