Friday, July 12, 2024

Malagim na nangyari kay Geneva Lopez, dating Pulis ang mastermind

Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang abo ng pinaslang na Kapampangan beauty queen na si Geneva Lopez noong Huwebes, July 11.

Mabilis naman ang usad ng kaso at pagkamit ng hustisya ng pamilya ni Geneva at ng Israeli fiancƩ niyang si Yitshak Cohen.

Ito’y matapos matukoy ng mga awtoridad ang mastermind o utak sa pagpatay sa magkasintahan na walang iba kundi isang dating pulis.

Malagim na nangyari kay Geneva Lopez, dating Pulis ang mastermind
Malagim na nangyari kay Geneva Lopez, dating Pulis ang mastermind

Siya ay kinilala bilang si Michael Guiang, na natanggal umano sa serbisyo noong 2019 matapos mag-AWOL o Absent Without Official Leave. 

Tinukoy namang kasabwat ni Guiang ang kapwa niya dating pulis na si Rommel Abuso.

Krimen kay Geneva Lopez at sa kaniyang boyfriend, isinanglang lupa ang dahilan

Samantala, base sa imbestigasyon ng PNP, ang lupa na pagmamay-ari ni Guiang na isinangla niya kina Geneva at Yitshak ang motibo sa krimen. 

Ayon sa pahayag ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, si Guiang umano ang may pinakamotibo o dahilan para patayin ang magkasintahan.

Si Guiang daw kasi ang kikitain nina Geneva at Yitshak noong June 21 nang magpunta sila sa Capas, Tarlac.

Gusto raw kasing kunin nila kay Guiang ang titulo ng lupa na isinangla nito sa kanila na naremata na.

Ngunit sa simula pa lamang, wala na raw plano si Guiang na ibigay ang lupa sa kanila.

Pahayag ni Fajardo, “Kung may pinakamotibo para patayin itong dalawang biktima ay ito talagang si Guiang. Dahil siya po ang kikitain at siya po ang talagang may motibo para patayin. Dahil gusto po niyang mabawi yung kanyang isinanla na lupa na naremata na nga po at nasa pag-aari na ni Geneva.”

Matatandaang sa parehong araw din ay idineklarang nawawala sina Geneva at Yitshak. 

June 22 naman nag-umpisang mabahala ang kanilang pamilya nang matagpuang nasusunog ang SUV ng magkasintahan. 

Hanggang makalipas ang ilang araw, July 6, natagpuan ang mga naaagnas na labi nina Geneva at Yitshak sa isang liblib na quarry site sa Brgy. Sta. Lucia, sa Capas, Tarlac.

Pagpaslang kay Geneva Lopez at sa kaniyang boyfriend, planado

Ayon naman kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Maj. Gen. Leo Francisco, planado ang pagpaslang kina Geneva at Yitshak. 

Pinalabas daw kasi ni Guiang na makikipagkita siya kina Geneva at Yitshak dahil may ipapakilala siyang buyer ng lupa na kanyang isinangla na walang iba kundi si Abuso. 

Pero ang plano talaga nila ay patayin ang magkasintahan dahil ayaw ibigay ni Guiang ang isinangla niyang lupa.

Ani Francisco, “Yung magnobya ay nagkaroon ng pagkakataon na makipagkita kay Guiang, dahil si Guiang ay may isinanlang lupa kay Geneva at gusto nang bawiin ni Geneva yung lupa kay Guiang. In the same manner, sinabi ni Guiang na may buyer din yung lupang isinangla niya at ipapakilala niya ito kay Geneva, itong si Abuso as buyer.”

“From that point, nagkita sila sa Barangay Armenia at binaril ng dalawang dating pulis na ito ang magkasintahan. So, makikita niyo it’s a planned activity… so there was that plan of killing. So, makikita niyo, ayaw ibigay ni Guiang yung kanyang isinanlang lupa kay Geneva, na gusto nang bawiin ni Geneva,” dagdag niya.

Sa ngayon, kinokolekta na ng mga awtoridad ang ebidensya na makakapagtibay ng kanilang kaso laban sa mga suspek.


0 comments:

Post a Comment