Friday, July 5, 2024

Mga celebrities, na may brilyante ng Persona Non Grata

Ito ang listahan ng mga sikat na celebrities na pinatawan bilang Persona Non Grata sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kapag pinatawanan ang isang tao bilang Persona Non Grata sa isang lugar, hindi ito totally banned pero hindi na ito welcome sa lugar dahil sa kawalang respeto sa mga tao man o sa mismong lugar.

Mga celebrities na pinatawan ng Persona Non Grata

Ang Persona Non Grata ay idinedeklara ng mismong Gobyerno ng lugar o ng pamahalaan.

Rosmar Tan, Rendon Labador at Team Malakas

Rosmar at Rendon, dineklarang persona non grata sa buong Palawan
PHOTO : Rosmar Tan, Rendon Labador at Team Malakas

– Entire Palawan & Coron, Palawan

Idineklara bilang persona non grata ang mga influencer na sina Rosmar Tan, Rendon Labador at Team Malakas sa buong lalawigan ng Palawan.

June 14, pinag-usapan sa social media ang video na inupload ni Rendon dahil sa mainit at magulong komprontasyon sa pagitan ng grupo nila ni Rosmar at ng LGU staff ng Coron, Palawan na si Jocelyn Trinidad.

Agad na nag-viral sa social media ang naturang video ngunit imbes na kampihan, nakatikim ng samu’t-saring batikos ang mga influencers.

Mabilis rin na naghain ng isang resolusyon ang LGU ng lalawigan upang mapatawan bilang persona non grata ang mga influencer na sina Rosmar, Rendon at ang grupong #TeamMalakas.

Pura Luka Vega

PHOTO : Pura Luka Vega
PHOTO : Pura Luka Vega

– 9+ Places [ Bohol, Laguna, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, Gensan, Manila, Floridablanca, Pampanga, Negros Occidental etc.]

Kotang-kota at labis na minalas ang drag queen artist na si Pura Luka Vega noong 2023 matapos sunod-sunod itong pinatawan bilang Persona Non Grata sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas.

Nag-ugat ang galit ng mga netizens dahil sa kontrobersyal nitong performance ng “Ama Namin” na may rock version habang suot nito ang costume ni Black Nazarene.

Ai-ai delas Alas and Darryl Yap

Mga celebrities, na may brilyante ng Persona Non Grata
PHOTO : Ai-ai delas Alas and Darryl Yap

– Quezon City

Pinatawan bilang Persona Non Grata ang komedyante at aktres na si Ai-ai delas Alas kasama ang direktor na si Darryl Yap matapos silang gumawa ng isang social media political video na may pambabastos sa official seal ng Quezon City.

Ang social media video na ito ay inupload taong 2022 sa kasagsagan ng eleksyon, ginaya rin ni Ai-ai si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang si “Mayor Ligaya Delmonte” na ikinagalit ng mga nasasakupan ng alkalde.

Candy Pangilinan

Mga celebrities, na may brilyante ng Persona Non Grata
PHOTO : Candy Pangilinan

– Baguio City

Sa isang Mother’s day show noong 2009, nag-perform ang komedyanteng si Candy Pangilinan ngunit hindi nagustuhan ng mga audience ang binitawan niyang punchline.

Aniya : “Akala nyo Igorot ako, hindi ako Igorot, tao po ako!”.

Matapos ibato ni Candy ang naturang joke, ay walang natawa dahil halos lahat ng tao ay nanahimik.

Inulit muli ni Candy ang joke dahil sa pag-aakala ng komedyante na hindi ito naintindihan ng mga tao, ngunit wala parin sa mga audience ang natawa.

Dito na pinatawan ng Baguio City si Candy bilang Persona Non Grata dahil hindi nila nagustuhan ang “Igorot” joke ng komedyante.

Xian Lim

Mga celebrities, na may brilyante ng Persona Non Grata
PHOTO : Xian Lim

– Albay

Taong 2015, matapos maimbitahan ang aktor na si Xian Lim na pumunta sa Albay para sa isang selebrasyon ng Chinese New Year, dito na nakuha ni Xian ang kaniyang brilyante bilang Persona Non Grata sa Albay.

Nanawagan ang mga taga-Albay na patawan si Lim bilang Persona Non Grata matapos umanong ipahiya at binastos ng aktor ang isang staff ni Governor Joey Salceda.

Matapos umanong inalok ng staff si Xian ng isang exclusive souvenir ay tinanggihan ito ng aktor sabay sabi “I am not here to promote Albay.”

EZ Mil

Mga celebrities, na may brilyante ng Persona Non Grata
PHOTO : EZ Mil

– Mactan, Lapu-lapu City Cebu

Nagbigay ng ingay ang hit song ni EZ Mil na panalo noong 2021, dahilan rin para mag-ingay ang lyrics ng nasabing kanta.

Dahil sa mga hindi kaaya-ayang lyrics ng Panalo ni EZ Mil, gustong ideklara ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan na Persona Non Grata ang rapper sa lungsod.

Nakarating kasi sa Mayor ng Lapu-Lapu ang kontrobersyal na kanta ni EZ Mil kung saan nakasaad sa lyrics ng kanta na “Pinugutan si Lapu sa Mactan.”

Dahil dito sinabi ng alkalde ng siyudad ng Lapu-Lapu na irerekomenda niya sa sangguniang panglusod na ideklara na Persona Non Grata ang sikat na rapper.

Ayon sa mga batikang mananalaysay sa bansa, walang dokumento ang nagpapatunay kung paano namatay si Lapu-Lapu sa Mactan, ngunit sa lyrics ng kanta, sinabi ni EZ Mil na pinugutan ito ng ulo.

Humingi ng paumanhin si EZ Mil tungkol sa kanyang naging pahayag sa isang virtual press conference na inorganisa ng Wish FM.

Binigyan diin parin ng rapper na hindi niya babaguhin ang lyrics ng kaniyang kanta dahil sa naturang lyrics ay mas lalong umingay at pinag-usapan siya ng mga tao.

Ani EZ Mil: “I do not intend to have a corrected version of the song, because I feel like that’s ruining the integrity that I had within recording it, but it was, you know… It blew up because it made people talk, and I will let it stay that way.”


0 comments:

Post a Comment