Sunday, July 21, 2024

Barbie Forteza, tinakbo si Herlene Budol nang nahulog sa stage

Viral at hinangaan ng netizens si Barbie Forteza matapos niyang tulungan ang comedian-beauty queen na si Herlene Nicole Budol matapos itong nahulog sa stage.

Umingay si Barbie hindi lang dahil sa napakagandang white ball gown nito na gawa ng sikat na Filipino designer na si Mak Tumang, kundi dahil din sa kanyang napakabuting puso.

Ginanap ang GMA Gala nitong Sabado ng gabi, July 20, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City na dinaluhan ng mga Kapuso stars maging ng ilang kilalang personalidad sa loob at labas ng showbiz.

Samantala, bawat artista ay may pagkakataon para ibida ang kanilang magagandang kasuotan.

Kabilang na rito sina Barbie at Herlene.

Sa ilang video na kumalat sa social media, makikita na magkasunod lang na rumampa sa stage sina Barbie at Herlene.

Todo-ngiti at kaway pa sa stage si Barbie kung saan ibinida niya ang kanyang gown.

Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

Herlene Budol nadapa sa stage ng GMA Gala; Barbie, to the rescue

Habang nasa gitna kasi ng stage si Barbie, isang aksidente ang nangyari sa kabilang bahagi ng stage kung saan makikitang biglang nadapa si Herlene habang pababa siya sa stage.

Herlene Nicole Budol, nahulog sa stage ng GMA Gala
PHOTO : Herlene Budol nahulog sa stage

Nakunan ang pagkagulat at biglang pagtakbo ni Barbie sa pwesto ni Herlene para tulungan ito.

Hindi alintana ni Barbie ang kanyang suot na gown at heels para tulungan si Herlene.

Dahil sa ginawa ni Barbie kaya naman umani siya ng papuri mula sa netizens.

Ayon pa sa netizens, napatunayan umano nila na mayroong mabuting puso si Barbie at handang tumulong sa iba.

Marami ang naging instant fan ni Barbie dahil sa kanyang pagtulong kay Herlene.

Komento ng netizens:

“acccck very genuine, kindness, and caring po talaga kayoo @barbieforteza8doneyet @herlene_budol”

“yong facial reaction super real, so proud of you”

“partida naka heels din siya at mahaba ang gown. She’s so kind talaga ramdam mo naman.”

“Binibining Klay even in real life. super kind and a true friend to all”

“ilang beses kona napanuod pero lagi padin akong nanginginig sa ginawa ni barbie di nya ako fan pero ngayon gusto kona sya”

“walang pagdadalawang isip grabe halata sa mukha nya yung pagalala kay budol, kung ako yan tatawa muna ako bago puntahan”

“grabe..ang hirap tumakbo na naka high heels pero kinaya ni barbie para lang tumulong”

“yung struggle nya sa gown pero tumakbo padin,,, salute to this woman Barbie Forteza”

“grabe ang gaganda ng mga gown nila sa GMA Gala gumawa pa ng eksena si Herlene budol.”


0 comments:

Post a Comment