Saturday, July 20, 2024

Herlene Nicole Budol, nahulog sa stage ng GMA Gala

Usap-usapan sa social media ang beauty queen at komedyanteng si Herlene Nicole Budol matapos itong mahulog sa stage ng GMA Gala.

Sa umpisa pa lamang ay maingay nang pinag-usapan si Herlene sa GMA Gala dahil sa bonggang suot niyang gown, ngunit mas umingay ang pangalan ng beauty queen matapos itong madapa at lumagapak sa stage.

Habang rumarampa kasi si Budol sa stage ay bigla itong nadapa at nahulog, mapapansin rin sa kumakalat na mga video na ito rin ang dahilan nang pagka-gulat ng mga audience sa GMA Gala.

Netizens, hindi naniwala sa pagka-hulog ni Herlene Budol

Marami naman sa mga netizens ang nag-alala sa kalagayan ni Herlene matapos itong lumagapak sa stage, ngunit marami sa mga netizens ang nagsasabing sinadya umano ito ng komedyante para muling pag-usapan.

Ani ng mga netizens : “After her live na DIUMANO’Y hindi sinasadya na nakitang naka-underwear siya, sense ko nang cloutchaser yan.”

“Baka scripted ? Need ba uli pag usapan ?”

“Parang walang nananonood or nakatingin sakanya sa audience base sa video wala halos reaction mga tao(exceot sa nag video na nagsabii ayyy!) Kaya parang sinandya niya.”

“The way she fell looks like sinadya niya talaga. Kung totoong natumba talaga siya hindi ganyan magiging reaction mo may reflex ka dapat na mag aattempt na iregain yung balance or ilessen yung impact ng fall, pero yung sa kanya nakaspread pa yung arms para lagapak talaga sa floor. It’s either weak lang yung reflexes niya or fake papansin scripted clout chaser lang talaga siya.”

“Kailangan gumawa ng eksena para tuloy pagiging relevant patapos na black rider baka ma tengga ang gagay.”

Herlene Nicole Budol, nag hello ang “Kiffy” sa live

Kung ating babalikan, binatikos ng maraming netizens si Herlene matapos aksidente nitong naipakita sa live ang kaniyang kiffy, marami rin sa mga netizens ang hindi naniniwala sa mga pakulo ni Herlene dahil sa tingin ng iba ay sinadya niya ang mga ito para muling umingay ang kaniyang pangalan.

Herlene Nicole Budol, nahulog sa stage ng GMA Gala
PHOTO : Herlene Nicole Budol

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kaniyang statement si Herlene tungkol sa pagka-hulog nito sa stage ng GMA Gala.


0 comments:

Post a Comment