Tuesday, July 30, 2024

Heart natatakot mawala si Chiz Escudero, gustong mauna

Aminado ang kapuso aktres na si Heart Evangelista na hindi niya kakayanin kung sakaling mawala ang kaniyang asawa na si Senate Pres. Chiz Escudero.

April 5, 2024 – naging usap-usapan sa social media ang balitang na-stroke umano at isinugod si Chiz sa St. Luke Hospital, dahilan upang hindi nito magalaw ang kalahati ng kaniyang kawatan.

Ngunit agad itong pinabulaan ng kaniyang may-bahay na si Heart at nilinaw na hindi totoong na stroke si Chiz gaya na lamang sa mga lumalabas na mga balita.

July 29, 2024 – Bumisita sina Heart at Chiz sa “Fast Talk With Boy Abunda” at dito na nila napag-usapan ang health condition ni Senate President.

Heart natatakot mawala si Chiz Escudero, gustong mauna
PHOTO : Heart Evangelista / Fast Talk With Boy Abunda

Pagbabahagi ni Heart : “He’s very good. He’s super good now. He had an episode.

“It was an episode and it was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us to just really make sure that health is wealth.

“And now he’s doing very, very good, everything perfect, and I make sure perfect,” dagdag pa ni Heart.

Heart Evangelista, hindi kakayaning mabuhay kung mawawala si Chiz Escudero

Emosyonal na ibinahagi ni Heart na hindi niya kakayaning mag-isa kung sakaling may masamang mangyari kay Chiz o di kaya’y iwan siya.

Ani Heart : “If he goes, I go. You jump, I jump. I swear, ako na lang ang mauna! Hindi ko talaga kaya. Iiyak na naman ako. Hindi ko talaga kaya. Hindi talaga. Huwag naman,

“And without Chiz, I don’t know how will I survive because he’s my everything. Of course, God’s my everything, but mauna na lang talaga ako,”

Samantala, noong mismong Mother’s Day, ay malungkot na ibinalita ng Kapuso actress na si Heart na nakunan uli siya sa ikaapat na pagkakataon.

Ibinahagi ni Heart sa publiko na muling nawala ang dapat sana’y ikaapat na baby na nila ng asawang si Chiz.


0 comments:

Post a Comment