Tuesday, July 2, 2024

Boy Dila na si Lexter Castro, nag-public apology na

Naglabas ng kaniyang public apology si Lexter Castro aka Boy Dila matapos makatanggap ng samu’t-saring batikos mula sa mga netizens.

Ayon kay Boy Dila, sobrang stress na umano siya sa mga natatanggap niyang bashing online at lalong lalo na sa mga death threats.

Nagsimula ang lahat ng ito matapos ginanap ang taun-taong selebrasyon ng Watta Watta festival sa San Juan city tuwing pista ni St. John the Baptist kada June 24.

Boy Dila na si Lexter Castro, nag-public apology na
PHOTO : San Juan City Watta Watta festival June 24

Kung matatandaan, nag-viral sa social media ang mga videos matapos madamay sa mga nabasa ang mga taong papunta sa kani-kanilang mga trabaho at mga studyante.

Para sa marami ay isang malaking perwisyo umano ang nangyaring basaan, matapos masira ang kanilang mga laptop at mga gadgets.

Sa social media, isang pasahero ng jeep na nabasa rin sa pista ang naglabas ng kanyang galit matapos mabasa ang kanyang gadgets.

Aniya : “Hanggang ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi galit.

“Nasira ang laptop at cellphone ko dahil sa mga iskwater ng San Juan na pinag-tripan yung jeep na sinasakyan ko at ng maraming tao.

“Pinigilan nila yung jeep namin. Gusto na silang banggain ng driver pero binuhusan nila bigla ng isang tabong tubig sa mukha yung driver. Buti nga hindi nya naapakan yung pedal dahil baka may mas malaking aksidente pang nangyari.”

Isa sa naging highlight sa Watta Watta festival ay si Lexter Castro aka Boy Dila, nakunan ng video si Boy Dila habang walang-awang binabasa nito ang isang delivery rider.

Boy Dila na si Lexter Castro, nag-public apology na
PHOTO : Boy Dila ng San Juan City

Boy Dila, pinadalhan ng bulaklak para sa patay

Tila gumanti ang mga na-perwisyo ni Boy Dila matapos basain ang mga motorista gamit ang kaniyang water gun sa “Wattah Wattah Festival” sa San Juan CIty.

Sunod-sunod na dumating sa kanyang tahanan ang maraming delivery riders dala ang mga order na hindi pa bayad, gamit ang kanyang pangalan at address.

Nakuha ng mga netizens ang address ni Lexter sa luma nitong social media post kaya naman ginamit ito ng mga netizens para padalhan siya ng iba’t-ibang gamit na hindi pa bayad.

Hindi lang ito, pinadalhan pa siya ng bulaklak para sa patay, isang malinaw na pahayag ng galit ng mga tao.

Ngunit sa kabila ng lahat, iginiit ni Lexter na ang mga delivery riders ang tunay na naapektuhan at hindi siya. 

Aniya, “Sino mas tarantado? Kayo ang namemerwisyo. Inoorder nyo yung grab dito, pinapangalan nyo sa kin.”

Dagdag pa niya, “Pinadalhan nyo pa ko ng pang patay na bulaklak kala nyo matatakot ako.”

Samantala, nanindigan si Lexter na walang mali sa kanyang ginawa, at sinabing normal lamang na gawain ang pagbasa sa mga motorista tuwing pista sa San Juan.

Boy Dila, public apology

Matapos nanindigan na walang mali sa kaniyang ginawa, naglabas ng public apology si Boy Dila para sa mga taong na-perwisyo niya, lalong-lalo na sa delivery rider na binasa niya gamit ang kaniyang water gun.

Binigyang diin ni Lexter na sobrang stress na siya sa mga death threats at bashing na kaniyang natatanggap sa social media.

Aniya : “Medyo nai-stress-stress na ako guys sa mga nambabash sa akin, nagbabanta sa akin. Hinahanap ko nga si manong rider para matapos na ‘yung problema, mawala na yung mga mambabash.

“Ako po ay humihiling sa inyo. Gusto ko po kayong maka-meet at humingi ng tawad sa iyo sa personal sa nagawa ko. Patawarin niyo po ako.”


0 comments:

Post a Comment