Monday, July 8, 2024

Alamin kung paano pumanaw ang aktor na si Rico Yan

Muling naging laman ng social media ang aktor na si Rico Yan dahil sa mga GenZ na pilit inaalala ang aktor dahil sa kaniyang mga lumang palabas.

Marami rin sa mga GenZ na mga influencers ang nagsasabing patay na patay sila sa kagwapuhan ni Rico kahit patay na ito.

Muling nakilala ng mga GenZ si Rico Yan matapos muling inupload ng Star Cinema ang blockbuster movies nilang dalawa ng aktres na si Claudine Barretto sa social media na may pamagat na “Got 2 Believe” at “Dahil Mahal Na Mahal Kita”.

Rico Yan and Claudine Barretto timeline

Ang loveteam nina Rico at Claudine ay sumikat taong 90’s hanggang 2002, nagsimula ang pagkaka-mabutihan nilang dalawa bilang on-screen partners hanggang sa tuluyan na silang naging real life couple.

Nagtagal ang kanilang relasyon ng almost 4 years, hanggang sa nagulat nalang ang lahat matapos biglaang pumanaw si Rico habang nagbabakasyon ito sa Puerto Princesa Palawan noong 2002.

Alamin kung paano pumanaw ang aktor na si Rico Yan
PHOTO : Rico Yan and Claudine Barretto

2024, sa isang pahayag ni Claudine sa talent manager na si Ogie Diaz, inamin ng aktres na nag-live in na sila noon ni Rico hanggang sa dumating ang November 2001 at tila hindi na naging maayos ang kanilang relasyon o pagsasama.

A night before Rico Yan’s death (March 28, 2002)

Thursday night, habang nasa isang piano bar si Rico ng isang resort sa Palawan hindi umano ito tumitigil sa pagkanta ng mga lovesongs gaya na lamang sa kantang “Got To Believe In Magic” ni David Pomeranz.

Ang “Got To Believe In Magic” ay ang huling movie project nina Rico Yan at Claudine Barretto na pinag-bidahan nilang dalawa noong 2002.

Ang pagkanta umano ni Rico ay nagsimula ng March 28 ng gabi hanggang sa umabot ng 4 a.m ng March 29.

“The woman who’s out of my life”

Ang mga lovesongs umano na kinanta ni Rico sa isang resort sa Palawan ay inaalay niya umano sa isang tao na tinawag niyang “The woman who’s out of my life”.

Hindi umano napansin ng mga kasamahan ni Rico na ito na pala ang huling araw na makikita nilang buhay ang aktor.

Isa ang newscaster na si Arnold Clavio sa naki-jamming sa aktor habang sila ay nasa resort ng Dos Palmas sa Palawan.

Pagbabahagi ni Arnold : “He was in high spirits, he sang other songs and we wrapped up around 4 a.m. He didn’t have any premonition [of death] at all.”

Rico Yan’s death (March 29, 2002)

The next morning, natagpuan na lamang ng aktor na si Dominic Ochoa na walang buhay ang kanyang kaibigan na si Rico sa isang cottage sa Dos Palmas resort.

Sa resulta ng autopsy na isinagawa sa katawan ni Rico ng Arlington Funeral Homes, lumalabas na ang sanhi ng kaniyang pagpanaw ay pancreatic hemorrhage.

Ecstacy pills overdosed

March 29, 2002 kumalat ang mga text messages tungkol sa pagkamatay ni Rico, ang sanhi diumano ay ang pag-take nito ng ecstacy the night before bago siya pumanaw.

Pero agad na nilinaw ng matalik na kaibigan ni Rico na si Dominic Ochoa ang mga kumakalat na text messages dahil wala umano itong katotohanan.

Ani Dominic : “Please, whoever saying that he was using ecstacy, it is not true,

“Don’t give my friend any headaches anymore. You have no right, He never took drugs, whoever saying that should die!.” dagdag pa ni Ochoa.

Claudine, bawal makita ang bangkay ni Rico

Sa unang araw ng lamay para kay Rico, ay isa-isang nagdagsaan ang mga sikat na artista at mga fans ng aktor sa kaniyang burol sa La Salle Greenhills Chapel.

Ngunit kung gaano kabukas ang pinto ng puso ng pamilya ni Rico sa pagtanggap sa ibang mga artista ay ganu’n naman kasarado ang puso nila para kay Claudine Barretto.

Ayon kay Claudine, umiiyak siya na nakiusap sa nakatatandang kapatid ni Rico na si Bobby na kung pwede sana’y makapunta siya, pero ang sabi sa kanya nito ay ayaw raw ni Mommy Sita [Ina ni Rico], sapat na raw na ipagdasal niya na lang ang kaluluwa ng aktor.

Ayaw namang kontrahin ni Claudine ang gustong mangyari ng pamilya ni Rico dahil ayaw niyang mabastos ang burol ng dati niyang karelasyon.

March 31 2002, dumating sa La Salle Chapel ng madaling-araw si Claudine , pero hindi pa rin siya pinapasok ng pamilya ni Rico.

Claudine Barretto, blamed herself for Rico Yan’s death

Dahil sa biglaang pagkawala ng aktor na si Rico, itinapon ng mga tao ang lahat ng kanilang sisi sa aktres na si Claudine Barretto.

Hindi umano alam ni Claudine ang kaniyang gagawin sa biglaang pagpanaw ni Rico at naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang galit sa kaniya ng mga tao.

Kahit siya umano ay sinisisi niya ang kaniyang sarili, humiling rin si Claudine sa mga tao na sana raw ay maintindihan rin ng mga ito ang kaniyang sitwasyon.

May 2024, ani Claudine : “During the time na kinu-crucify ako ng mga tao at sinasabi nila na kasalanan ko, ang hindi alam ng tao na ako rin, sinisisi ko rin ang sarili ko,

“Kasi kung pina-punish niyo ako, pina-punish ko rin ‘yong sarili ko. Kung galit kayo sa akin, mas galit ako sa sarili ko,

“So sa mga taong nagsasabi na kasalanan ko, ganon di ang tingin ko sa sarili ko. So sana mas maging understanding kayo ng kahit konti.

“Dahil ‘yong galit niyo sa akin noon, a million times over ang galit ko sa sarili ko,

“Yung love na yon, hindi na mauulit ‘yon sa buong buhay ko kailanman. Magmahal man ako, it’s never gonna be the same at sinisi ko ang sarili ko,” dagdag pa ng aktres.


0 comments:

Post a Comment