Wednesday, July 31, 2024

Liza, binunyag na siya dapat ang bida sa ‘Hello, Love, Goodbye’

Isiniwalat ni Liza Soberano na siya dapat ang bibida sa 2019 movie na “Hello, Love, Goodbye” sa halip na si Kathryn Bernardo.

Sa vlog ni Bea Alonzo kung saan kumasa siya sa “Lie Detector Test” challenge nito, ikwenento ni Liza Soberano na sa kanila ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil unang in-offer ang “Hello Love Goodbye”.

Gayunpaman, hindi raw ito natuloy dahil nagdesisyon na lamang daw bigla ang Star Cinema na ibigay ang pelikula sa iba dahil may ibang proyekto raw na nakahanda para sa kanila.

Liza, binunyag na siya dapat ang bida sa ‘Hello, Love, Goodbye’
PHOTO : Liza Soberano and Bea Alonzo

Hanggang nabalitaan na lamang ni Liza na in-offer kay Enrique ang “Hello Love Goodbye” pero hindi na siya ang katambal nito kundi si Kathryn.

Liza Soberano, natakot magsama si Kathryn at Enrique sa pelikula

Pag-amin nga ni Liza kay Bea Alonzo, natakot siya nang i-offer kay Kathryn at Enrique ang pelikula baka raw kasi katapusan na ng loveteam nila noon ng aktor.

Bukod sa nalulungkot siya para sa kanilang fans, natakot din umano siyang matapos ang loveteam nila ni Enrique.

Ani Liza, “At the time that when I was in a love team, hindi ko naisip na problema siya. Actually, ‘yung ‘Hello, Love, Goodbye’ ni Kathryn and Alden was actually offered to Quen and I first. And then I wanted to do that movie so bad. But then, ‘They were like, there’s another project lined up for the both of you.’”

“Tapos, when we’re doing Bagani, nabalitaan ko that…At first they offered it to Kathryn and Quen. And that scared the sh*t out of me.

“I was like, why would they do that? I asked them to save the project for me and Quen, parang please wait for us. Kasi they told us din nung pinitch sa amin na hindi pwede gawin agad kasi they have to develop it more.

“And so I was like, ‘Okay, we’ll wait for it. Please hold it for us.’ And then nalaman ko na lang bigla that were offering it to Quen still but with Kathryn. And I was scared that after Bagani and then when I do Darna, wala na yung LizQuen.

“And for me, I didn’t want to do that to the fans but also Quen was my comfort zone,” dagdag niya.

Samantala, kung babalikan ang nangyari, ibinahagi ni Liza na iyon ang pagkakataon na na-realize niyang marami siyang hindi nagawa sa kanyang career dahil nakahon siya sa isang loveteam.

Ani Liza, “It was until later that I realized, ‘Oh my god. And dami kong hindi nagawa sa career ko.’ And that’s why everybody I think takes for granted my talent or acting capabilities because they only see me in a loveteam.”


0 comments:

Post a Comment