Friday, July 26, 2024

Bagong Girlfriend ni Daniel Padilla, pina-ngalanan na

Naging maingay at usap-usapan ngayon sa social media ang bagong girlfriend ng aktor na si Daniel Padilla na may pangalang “Amanda”.

Kung ating babalikan, November 2023 kinumpirma ng KathNiel ang kanilang hiwalayan matapos ang 11 years na relasyon.

Napansin rin ng mga netizens na masaya na ang dating girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo sa bago nitong ka-love team na si Kapuso aktor Alden Richards.

Kasalukuyan din na binubuo ng KathDen ang sequel ng Hello Love Goodbye.

New girlfriend ni Daniel Padilla, kilalanin

Isa si Ogie Diaz sa nag-kumpirma na may bagong girlfriend na si Daniel sa pamamagitan ng kaniyang “Showbiz Update” noong July 25, nabanggit ng showbiz insider na ang pangalan umano ng babaeng nali-link kay Daniel ay “Amanda”.

Panimula ni Ogie : “May nag-pm sa akin. Kasi tinatanong ako kung mayro’n na ring jowa si DJ, si Daniel Padilla. At tinatanong ako kung totoo po ba na ang pangalan ng bagong girl friend ni DJ ay Amanda.”

“Hindi naman natin alam ‘yan. Talagang binabasa lang natin ‘yan at bahala na sila—si Daniel, si Kathryn [Bernardo] kung mayro’n silang gustong sabihin sa mga fans.” dagdag pa ni Ogie.

Robin Padilla sa KathNiel : “Magkaka-balikan yon!”

Malakas ang paniniwala ng senador na si Robin Padilla na magkaka-balikan pa ang KathNiel.

Robin Padilla sa KathNiel Magkaka-balikan yon
PHOTO : Robin Padilla and KathNiel

Base sa ulat ng Abante, nahingan ng reaksyon si Robin tungkol sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn, o KathNiel, sa mediacon ng kanyang bagong pelikula tungkol sa buhay ni dating senador Gringo Honasan.

Ayon kay Robin, hindi nagkukuwento sa kanya si Daniel pero kahit papaano ay may alam umano siya sa kwento ng love story at hiwalayan nito at ni Kathryn.

Aniya, “Kapag magkasama kami (Daniel), puro kantahan, pero sa loob ng kanta nandoon ang mga kwento…Kapag gumawa ng pelikula ‘yon, magkakabalikan ‘yon.”

Dagdag ni Robin, “Ganun lang talaga, sa tagal natin sa industriya alam naman nating lahat na mga ganyang partnership, love team, dadaan sa prosesong ganyan, kasi nagma-mature sila, eh. Nakikita nila ‘yung mundo… kung gaano kalawak ang mundo.”


0 comments:

Post a Comment