Nilinaw ng aktres-singer na si Maris Racal na hindi ang ka loveteam niyang si Anthony Jennings ang dahilan sa breakup nila ni Rico Blanco.
Kung ating babalikan, sobrang nalungkot ang marami matapos ibunyag ni Maris ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng Rivermaya vocalist na si Rico.
July 12, sa isang press conference ng Star Magic ay inamin ni Maris na hiwalay na sila ni Rico matapos ang limang taon nilang relasyon.
Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco
Nagsimula ang rebelasyon ni Maris tungkol sa breakup nila ni Rico matapos itong tanungin kung nakikita ba nito ang kaniyang sarili na ikakasal kay Rico.
Hanggang sa inamin na nga ni Maris na hindi na mangyayari ang kasalan nilang dalawa dahil hiwalay na sila ni Rico.
Ani Maris, “I’m so scared. I’m really scared, ang dami kasing tanong about him and I am tired of smiling and nodding. I’m so scared because if I announce it that is real… but, yeah, Rico and I are over. It’s fresh. It’s been weeks, loneliest and emptiest weeks I’ve ever experienced in my life.”
“Our universe was so beautiful”
Binigyang diin rin ni Maris na ang relasyon nila ni Rico ay puno ng musika, tawanan at pagmamahalan, kaya hindi raw niya alam kung bakit nauwi sa breakup ang kanilang relasyon.
Aniya, “Rico and I, our universe was so beautiful. It was full of love, laughter, music, everything. Sa five years namin together, we were always on the same page.”
Anthony Jennings, labas sa hiwalayang Maris Racal at Rico Blanco
Kasabay ng pag-amin ni Maris sa hiwalayan nila ni Rico ay ang pagsulpot ng mga haka-haka na baka raw ay third party ang dahilan.
Mabilis naman na itinuro ng mga netizens na baka diumano si Anthony Jennings ang naging dahilan kaya na fell out of love si Maris kay Rico.
Ngunit paglilinaw naman ni Maris na walang third party involved at wala ring kinalaman si Anthony sa kung anuman ang rason kung bakit sila naghiwalay ni Rico.
“Anthony is out of the picture. It’s just mainly me and Rico. Mainly me, I’m the issue.” paglilinaw ni Maris.
“This is the only time I will talk about it. Since while we’re at it, I would like to humbly ask the public to look at us, Rico and I, with understanding and love because we’re both grieving.
“Hindi naman mako-control yung mga opinyon ng tao, but please don’t direct your hate towards Rico because he’s too precious for that. If you guys are ready to throw some punches, I’m willing to take them.” dagdag pa ni Maris.
0 comments:
Post a Comment