Monday, July 22, 2024

Ogie Diaz, sinupalpal si Jude Bacalso: “Entitled naman masyado”

Hindi napigilan ng talent manager na si Ogie Diaz na mag-react sa issue ngayon sa social media ng transgender na si Jude Bacalso.

Ito ay patungkol sa LGBT customer na si Jude na pinatayo umano ang isang waiter sa isang mall sa Cebu ng dalawang oras dahil lang tinawag siya nitong “Sir.”

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, July 22, iginiit ni Ogie na mukhang nainsulto umano si Jude dahil tinawag siyang “Sir” kahit nakaayos pambabae siya.

Trans, galit na galit sa waiter matapos tawagin siyang "Sir"
PHOTO : Waiter pinatayo ng halos 2 oras ng isang Transgender

Ogie Diaz kay Jude Bacalso: “Sana pinakitaan mo ng pruweba na magpapatunay na babae ka”

Ayon pa kay Ogie, kung gusto umano ni Jude na tawagin siyang “Ma’am” sana raw ay nagpakita ito ng katibayan na magpapatunay na isa siyang babae gaya na lamang ng birth certificate na may nakalagay na “Female.”

Ani Ogie, “Pinatayo mo for 2 hours yung waiter kasi nainsulto ka dahil tinawag kang “Sir.” Yan ang lumalabas sa mga posts. (Nasa comment section yung link.) Nainsulto ka kasi, nakaayos-babae ka, pero hindi mo na-achieve na tawagin kang “Ma’am.”

“Ganun naman pala na babae ang tingin mo sa sarili mo, eh di sana, pinakitaan mo ng pruweba na magpapatunay na babae ka talaga bukod sa pagpapakita ng keps. Katulad kunwari ng birth certificate. Ipakita mo na FEMALE ang nakalagay sa gender mo doon para mas maintindihan ka ng waiter kung saan nanggagaling yung ngitngit mo,” dagdag ni Ogie.

Ogie, tinawag na sobrang “entitled” si Jude

Para naman kay Ogie, sobrang “entitled” umano ni Jude dahil gusto nitong agad-agad na mag-adjust ang lahat sa desisyon nitong mag-iba ng pagkatao.

Ani Ogie, “Nagdesisyon kang ibahin ang pagkatao mo, tapos ang gusto mo, mag-adjust lahat ang mga tao sa pagbabago mo ng anyo. Agad-agad? Di ba pwedeng dahan-dahan lang, Ateng? Tutal, ikaw naman ang nagdesisyong magbago ang takbo ng pagkatao mo? Entitled ka naman masyado, teh.”

Sinabi rin ni Ogie na itsura lang ni Jude ang nagbago at hindi ang pagkatao nito.

Aniya, “Nag-sorry na nga yung waiter, di pa rin sapat at pinatayo mo pa talaga nang dalawang oras? Gusto mong maging proud ang LGBTQIA+ community sa ‘yo, paano? Itsura mo lang ata nagbago, sana, idinamay mo na rin pati pagkatao mo para mabitbit mo kahit saan ka dumayo.”

Sa huli, pinangaralan ni Ogie si Jude na kung nais umano nitong pairalin ang “gender sensitivity” para sa LGBTQIA+ community sana raw ay maging sensitibo rin ito sa nararamdaman ng ibang tao.

Aniya, “Gusto mo pairalin ang gender sensitivity ng mga tao sa LGBTQIA+ community, pero hindi ka naman sensitive sa nararamdaman ng ibang tao. Pag ang tao, nag-sorry na, patawarin mo na. Wag mo nang binibig-deal ang isang sitwasyon na ikaw mismo, kaya mong solusyunan, ayaw mo lang.”

“Wag ka nang maging initials ng asawa ni Regine Velasquez,” patutsada ni Ogie kay Jude.

Matatandaang sa kanyang pahayag, sinabi ni Jude na hindi siya nasaktan dahil sa pagtawag ng “Sir” ng waiter sa kanya.

Kaya umano niya kinausap ang waiter ay para turuan ito tungkol sa gender sensitivity.


0 comments:

Post a Comment