“’Til death do us part” – Ang pangakong binitawan ng bagong kasal na sina Elmer Costan, 27 anyos at Rhizza Mae Ypil, 27.
Sila ay mula sa Cebu nang magsumpaan sila sa harap ng altar noong July 7.
Ngunit sino ang mag-aakala na ang kanilang wedding vows ay magkakatotoo nang napakaaga at hindi inaasahan?
Isang araw kasi matapos ang kanilang kasal, trahedya agad ang dumating sa kanilang buhay.
Habang puno pa ng saya at pag-asa ang kanilang mga puso bilang bagong mag-asawa, wala silang kamalay-malay na may paparating palang malagim na trahedya na tatapos sa kanilang mga buhay.
Bagong kasal sa Cebu, nawawala dahil sa baha
July 8, inanod ng malakas na agos ng tubig baha ang sinasakyang pulang pickup truck nina Elmer at Rhizza Mae sa Sitio Mangitngit, Brgy. Lower Natimao-an, Carmen, Cebu.
Ayon sa kanilang pamilya, galing sa isang outing o resort sina Elmer at Rhizza Mae kasama ang iba pa nilang pamilya at mga kaibigan.
Ito’y para i-celebrate ang kasal nina Elmer at Rhizza.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nang papauwi na sila ay nakasalubong nila ang pag-apaw ng isang creek sa Brgy. Lower Natimao-an, Carmen.
At sa kasamaang palad, na-stranded ang kanilang sinasakyang pickup at hindi na nga sila nakalabas pa.
Kaya sa huli, tuluyang inanod ang kanilang sasakyan, at maging ang kanilang mga katawan ng tubig baha.
Isang araw matapos ang insidente ang katawan ni Rhizza Mae ay natagpuan sa baybayin ng Catmon, Cebu.
Ang mas masaklap at nakakalungkot, ayon sa kanyang pamilya ay pitong buwang gulang na buntis si Rhizza Mae.
Ayon sa ilang local news sites sa Cebu, bukod kina Elmer at Rhizza Mae, may limang tao pa ang nasawi sa trahedya.
Pagpanaw ng bagong kasal, may pangitain na?
Samantala, hindi naman inaasahan ni Mayor Carlo Villamor ang insidente dahil hindi umano ito pangkaraniwan.
Unang-una dahil maliit lamang umano ang creek. Pangalawa, biglang rumagasa ang baha nang tumawid na ang bagong kasal.
Sa kabilang banda, matapos ang trahedya ay nag-viral naman ang videos mula sa kasal ng mga biktima.
At isang kakaibang bagay nga ang kanilang napansin sa kasal ng mag-asawa.
Ito ay ang itim na altar ng simbahan at ang kakaibang wedding song na tila umano pampatay.
Makikitang tila under construction ang simbahan kaya naman may nakatakip na itim na trapal sa altar.
Dahil sa mga detalyeng ito, mistulang may “pangitain” na raw na may masamang mangyayari sa mag-asawa.
Komento ng netizens:
“Parang may mga pangitain na Ang lungkot ng kanta ska bkit Black Ang altar. Itim n kurtina b yon?”
“Bakit ganyan ang decorations ng simbahan itim? Wala po bang nakapansin Nyan bago ikasal?”
“iba Ang aura ng simbahan..at tyaka Ang kanta parang kapag nagma mass na may ililibing.”
“Oh my God parang sa patay ang kanta nakakalungkot.. kasabay pa ng itim na kurtina sa altar dapat beautiful in white na lang yun song, it’s a sign na talaga”
“Kawawa naman sila bagong kasal tapos inanod ng baha. The sign is very visible…kakatakot yung black na altar.”
“Ang weird pa mang sounds nila habang nag lalakad Ang bride… Yung song at Ang altar na under construction eh itim.. pwede nman sana tinakpan nila nang puti para sa ikakasal..”
0 comments:
Post a Comment