Tuesday, July 16, 2024

Babaeng kasama ni John Estrada sa Boracay, binuking ni Priscilla

Mainit na pinag-uusapan si Priscilla Meirelles matapos niyang ibunyag sa publiko ang babaeng kasama ng kanyang asawa na si John Estrada sa Boracay.

Naging trending topic online ang nakakagulat na rebelasyon ni Priscilla na nagsimula sa isang post ni John kung saan ibinahagi niya ang masayang bakasyon niya sa Boracay.

May caption ang post ni John na, “What an awesome place HENANN GARDEN BORACAY.”

Wala namang espesyal sa post ni John kung saan nag-post lang siya ng isang picture niya sa pool area ng nasabing hotel.

Pero nabalot ito ng matinding intriga matapos sagutin ni Priscilla ang tanong ng isang netizen.

Priscilla Meirelles, pinangalanan ang babaeng kasama ni John sa Boracay

Isang netizen kasi ang nagkomento sa post ni John kung saan pabiro itong nagtanong sa aktor kung sino ang kanyang kasama sa Boracay: si Lena ba o si Marites na dalawang babae sa buhay ng karakter ni John sa Batang Quiapo na si Rigor.

Tanong ng netizen, “Sino kasama mo rigoooor? Si lena or maritess? (laughing with tears emoji)”

Pero nagulat ang lahat nang sagutin ni Priscilla ang tanong ng netizen kung saan pinangalanan niya kung sino ang kasama ni John sa Boracay na isang nagngangalang “Lily Hallman”.

Babaeng kasama ni John Estrada sa Boracay, binuking ni Priscilla
PHOTO : John Estrada Boracay

Hindi pa rito natatapos ang pagbubuking ni Priscilla dahil nag-iwan din siya ng isang nakaka-intrigang komento sa mismong post ni John kung saan tinawag niyang “very divorced” si John.

Ani Priscilla, “Si @Lily_Hallman_”

Komento naman niya, “Looking very divorced, Mr. Estrada.”

Mabilis namang tinanggal ni John ang comment section sa kanyang mga post.

Gayunpaman, nakakuha na ng screenshot ang mga netizen sa mga komento ni Priscilla.

Dahil dito, agad na nag-trending sa social media si Priscilla, at ang isyung di umano’y bagong babae ni John na kasama niya sa Boracay na si “Lily Hallman”.

Video ni John Estrada na nasa Boracay kasama ang ilang babae, trending

Samantala, ilang oras lamang ang makalipas mula nang pumutok ang isyu, nag-trending naman sa TikTok ang video ni John na nagpa-party sa isang bar sa Boracay.

Ngunit ang pumukaw sa atensyon ng netizens ay ang detalyeng napapalibutan si John ng ilang babae na tila sinasayawan pa siya.

Isa sa mga babaeng kasama ni John sa video ay di umano’y ang sinasabi ni Priscilla na kasama ni John sa Boracay na si “Lily Hallman”.

Kapansin-pansin na sobrang bata pa nito at halatang may lahing banyaga.

Mukha namang magkakilala na sina John at Lily base na rin sa kanilang body language.

Priscilla Meirelles, pinayuhan ng netizens na hiwalayan na si John Estrada dahil hindi na ito magbabago

Kaya naman muling inulan ng batikos sa social media si John.

Marami rin ang nagsabi na tila isinabuhay daw ni John ang karakter niya sa Batang Quiapo na babaero.

Habang marami ang hindi na nagulat sa isyu dahil mula pa noon ay kilala na raw na isang babaero si John.

Inungkat ng mga netizen ang hiwalayan noon ni John at ng misis niyang si Janice de Belen kung saan third party din ang dahilan.

Payo naman ng netizens kay Priscilla na hiwalayan na si John dahil “once a cheater, always a cheater” umano.

Sa ngayon, wala pa namang pahayag si John hinggil sa pagbubuking ni Priscilla kung sino ang babaeng kasama niya sa Boracay.


0 comments:

Post a Comment