Saturday, July 27, 2024

John Estrada isinugod sa ospital, alamin ang kaniyang kalagayan

Marami ang nag-alala sa aktor na si John Estrada, na kilala ngayon bilang “Rigor” dahil sa kanyang sikat na karakter sa seryeng “Batang Quiapo”.

Ito’y matapos ibahagi ng kanyang anak na si Kaila Estrada noong Huwebes, July 25, ang isang litrato kung saan makikitang nakahiga si John sa hospital bed. 

Nasa tabi ni John ang isa pa niyang anak na si Moira Estrada, at mapapansing naka-suwero ang kanang kamay ng aktor. 

Sa larawan, makikita rin ang “Asian Hospital and Medical Center” na naka-imprinta sa unan sa tabi ni John.

Hindi naman sinabi ni Kaila kung ano ang dahilan ng pagkakaospital ng kanilang ama, kaya kanya-kanyang hula ang netizens tungkol dito.

John Estrada, dahilan ng kaniyang pagka-ospital

May ilang netizens ang nagsabi na maaaring “stress” umano si John dahil sa marital problems nila ng kanyang misis na si Priscilla Meirelles. 

May ilan ding nagsabi na tila kinarma na raw si John dahil sa pagiging babaero umano niya.

Kamakailan lamang, pumutok ang balitang may problema sa pagsasama nina John at Priscilla. 

Sa isang Instagram post ni John habang nasa Boracay, nagkomento si Priscilla at pinangalanan pa ang babaeng kasama umano ni John.

Babaeng kasama ni John Estrada sa Boracay, binuking ni Priscilla
Babaeng kasama ni John Estrada sa Boracay, binuking ni Priscilla

Kasunod nito, nagsalita si John at inamin na matagal na silang nagdesisyon ni Priscilla na maghiwalay muna.

Ayon kay John, “Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt people I love.”

Dagdag pa niya, “I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter. I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather. This is a private family matter that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you.”

Priscilla, itinanggi ang pahayag ni John tungkol sa kanilang paghihiwalay

Ngunit ikinagulat ng marami nang pabulaanan ni Priscilla ang mga sinabi ni John. 

Ayon kay Priscilla, sobra siyang nagulat at nasaktan sa pahayag ni John tungkol sa kanilang paghihiwalay.

John Estrada, confirms breakup with Priscilla Meirelles
PHOTO : John Estrada and Priscilla Meirelles

Nilinaw niyang wala silang napag-usapan ni John tungkol sa kanilang paghihiwalay at iginiit na kasal pa rin sila ni John.

Aniya, “I am deeply shocked and disheartened by Mr. Estrada’s recent public statement. To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines and remain married as of this time.”

Dagdag pa ni Priscilla, “While there is indeed more to this story, it is not appropriate to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith.”

Kasalukuyang nagbabakasyon sa kanyang bansa sa Brazil si Priscilla kasunod ng hiwalayan nila ni John.


0 comments:

Post a Comment