Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na biglang nawala matapos maglabas ng arrest warrant ang Senado laban sa kanya.
Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya si Alice dahil sa umano’y kaugnayan niya sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Ang POGO industry ay naging malaking isyu sa bansa dahil sa mga ilegal na aktibidad na nakaugnay dito tulad ng money laundering, human trafficking, cyber and text scam, at kidnapping.
Alice Guo’s involvement in POGO and issues regarding her true identity
Bukod sa isyu ng POGO, pinagdududahan din ang kanyang pagiging Pilipino, dahil sa mga hindi tumutugmang impormasyon tungkol sa kanyang buhay.
Kung babalikan, umagaw sa atensyon ng mga senador at ng publiko si Alice, dahil sa kanyang kahina-hinalang mga sagot sa senate hearing tungkol sa kanyang pagkatao.
Tumatak ang mga linya ni Alice na “Hindi ko na po maalala, your honor” at ang detalyeng “lumaki siya sa farm” at “homeschooled” ng isang “Teacher Rubilyn” kaya wala siyang school records.
Pinaimbestigahan din ang pamilya ni Alice matapos hindi niya maayos na sagot ang mga tanong ng senador kung saan at kailan siya pinanganak, at kung sino ang kanyang mga magulang.
Dahil dito, lalong naghukay ang Senado kung sino talaga si Alice.
Alice Guo’s fingerprints matched with a certain ‘Guo Hua Ping’
Hanggang kamakailan lang, lumabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na peke ang pagkatao ni Alice Guo.
Una, dahil lumabas sa records na may ibang Alice Guo.
At pangalawa, nag-match ang fingerprint ni Alice sa isang Chinese na nagngangalang Guo Hua Ping.
Alice Guo’s assets and bank accounts freeze by AMLC
Bukod sa kanyang pagkatao, pinag-aaralan din ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga bank account ni Alice.
Nakakagulat na bilyon-bilyong piso ang nakita nilang pumasok sa mga account niya. Pinaghihinalaan na galing ito sa ilegal na POGO.
Dahil dito, pina-freeze ng korte ang lahat ng mga ari-arian at bank accounts ni Alice.
Philippine Senate issues arrest warrant against Alice Guo
Samantala, muli ngang pinatawag ng Senado si Alice.
Ngunit hindi siya dumalo sa pagdinig at nagdahilan na na-trauma umano siya dahil sa mga tanong ng senador at sa mga paratang na binabato sa kanya.
Ang kanyang pagtanggi na humarap sa Senado ay siyang nag-udyok kay Sen. Risa Hontiveros na patawan siya ng contempt of court.
Kasunod nito, pinirmahan ni Sen. Risa noong July 11 ang arrest order laban kay Alice na inaprubahan naman ni Senate President Francis Escudero.
At noong Sabado, July 13, inisyuhan siya ng arrest warrant.
Alice Guo went missing and hiding after issued an arrest warrant
Ngunit biglang naglaho na parang bula si Alice.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, tinungo na ng tracker team ang lahat ng registered addresses ni Alice sa Tarlac, Marilao, at Quezon City ngunit bigo silang matagpuan siya.
“Pinuntahan ng tracker team lahat ng registered addresses. Meron sa Valenzuela, Tarlac, Marilao, QC pero walang Guo Hua Ping,” ani Gatchalian sa isang panayam.
Naniniwala naman ang senador na nasa Pilipinas pa rin si Alice ngunit nagtatago lamang para iwasan ang pag-aresto sa kanya.
Aniya, “Nakikita ko, nagtatago talaga siya, nag-e-evade ng arrest. Sa impormasyon natin, nandito pa siya. Hindi na siya makakaalis gamit ang paliparan dahil meron ng hold departure order.”
Lawyer says Alice Guo is still in the Philippines, still considering surrendering
Samantala, ayon naman sa kanyang abogado na si Atty. Stephen David, nakausap niya si Alice ngunit hindi niya alam ang kinaroroonan nito.
Kinumpirma rin niyang nasa bansa pa rin si Alice ngunit natatakot daw umano ito kaya ayaw magpakita.
Pero ibinahagi niyang pinag-iisipan na raw ni Alice na sumuko.
Ani Atty. David, “Nakausap ko siya kahapon pero hindi ko alam kung saan siya. Pero 100% nasa Pilipinas siya. ‘Yun ang sinabi niya sa akin. Natatakot siya, marami kasing nananakot sa kanya. Natatakot siya sa security niya saka kung anong pwedeng mangyari kung makulong siya. Pipilitin niya, pinag-iisipan niyang dumalo.”
0 comments:
Post a Comment