Saturday, July 6, 2024

Ivana Alawi, masyadong pa “DIVA”, liligwakin na sa Batang Quiapo

Usap-usapan ang pag-alis ng bagong karakter sa serye ni Coco Martin na Batang Quiapo, Si Ivana Alawi ang itinuturo ng mga netizens at iba pang mga source.

Kung ating babalikan, matagal ng na blind item ang isang aktres sa lahat ng social media tungkol sa pagiging “DIVA” umano nito sa isang serye at sa kaniyang trabaho.

Sa wakas ay pinangalanan na ito ng Bandera [very reliable source] at ito ay walang iba kundi ang aktres-vlogger na si Ivana Alawi.

Ivana Alawi, masyadong pa "DIVA", liligwakin na sa Batang Quiapo
PHOTO : Ivana Alawi

Ani pa ng Bandera : “Habang sinusulat namin ang balitang ito ay saka lang naming naalalang matagal na nga pala itong naikuwento sa amin at iba-blind item sana naming pero dahil sa rami na ng mga nakaka-tsikahan namin ay nalimutan na.

“Pero ngayon, hindi na blind item ang aktres na diva ang ugali sa set ng isang serye at hindi namamansin dahil pinangalanan na namin.”

Ivana Alawi, nag last taping na sa Batang Quiapo

May isang cast sa serye ng Batang Quiapo at ito ang naging source ng Bandera na nagsabing si Bubbles [Ivana Alawi] ang liligwakin sa serye.

Ayon pa sa Bandera : “Personal Assistant [PA] ng Batang Quiapo ang nakausap namin at nabanggit niyang, “Si Bubbles po, tatanggalin na raw. nakapag last taping na si Bubbles.

“lagi po kasing hindi puwede si Bubbles pag may taping, may lakad tapos pag pinakikiusapan siyang mag extend ng oras, ayaw niya, umaalis na agad saka po hindi masyado nakikipag-usap.” dagdag pa.

Ivana Alawi, feeling “DIVA” sa set ng Batang Quiapo

Marami nang lumalabas na chika na feeling diva umano ang aktres na si Ivana lalong-lalo na sa set ng Batang Quiapo.

Hindi umano namamansin o pinipili lamang ang papansinin ni Ivana sa set, pag dumarating daw ito sa taping ay diretso na agad ito sa tent niya o sa standby area at laging nakadutdot sa cellphone.

Pag tinatawag na para mag-take si Ivana ay nakasimangot, saka lang kunwari mamansin kapag magka-eksena na sila ng kung sinuman sa cast.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang aktres na si Ivana Alawi tungkol sa pagka-ligwak nito sa serye na Batang Quiapo.


0 comments:

Post a Comment