Tuesday, July 23, 2024

Herlene Budol, inaming mahirap katrabaho si Empoy Marquez

Inamin ng Kapuso comedian-beauty queen na si Herlene Budol na mahirap katrabaho ang aktor at komedyanteng si Empoy Marquez.

Sa ulat ng Inquirer, ikinuwento ni Herlene sa presscon para sa huling linggo ng kinabibilangan niyang series na “Black Rider” ang karanasan niya habang katrabaho si Empoy.

Lingid kasi sa kaalaman ng marami,  katambal ni Herlene sa serye si Empoy.

Ginagampanan ni Herlene ang papel na “Pretty”, na isang battered wife habang ginagampanan naman ni Empoy ang papel na “Oka”, na isang motorcycle driver at kanyang admirer.

Kalaunan ay nagkatuluyan sa huli ang mga karakter nina Herlene at Empoy.

Para kay Herlene Budol, mahirap raw katrabaho si Empoy Marquez

Samantala, marami nga ang kinikilig sa tambalan nina Herlene at Empoy dahil sa kanilang chemistry on screen.

Pero ayon kay Herlene, hindi raw madali ka-eksena si Empoy.

Herlene Budol, inaming mahirap katrabaho si Empoy Marquez
PHOTO : Herlene Budol and Empoy Marquez

Hindi dahil may attitude ang aktor kundi dahil sobrang husay umano nito umarte o magpatawa.

Paliwanag ni Herlene, lagi siyang natatawa sa facial expressions ni Empoy tuwing nasa kalagitnaan sila ng isang mabigat na eksena kung saan kailangan niyang umiyak.

Aniya, “Ang hirap po niyang katrabaho, sobrang hirap. His facial expressions make me laugh even if we’re doing a heavy scene where I have to cry,”

Inamin nanan ni Herlene na bata pa lang siya ay tagahanga na siya ni Empoy.

Kaya naman lagi raw siyang na-a-out of character kapag kaeksena niya si Empoy dahil napakahusay umano nito pagdating sa pag-arte at pagpapatawa.

Ani Herlene, “When I look at him, I can’t help but break character. I become a fan girl. Bata pa lang kasi ako, napapanood ko na ang isang Empoy. His smallest movements and nuances bring out my real personality,”

Sa kabila nito, ibinahagi ni Herlene na ini-enjoy na lamang niya ang pagsasama nila ni Empoy sa serye. 

Aniya, “In terms of chemistry, our director Rommel Penesa, would tell me, ‘Meron talaga.’ I’d reply, ‘Talaga ba, Direk?’ I just try to enjoy every moment when I’m working with him. Masaya naman po kami kapag naglalandian sa set.”

Magtatapos na ang “Black Rider” ngayong darating na Biyernes, July 26.


0 comments:

Post a Comment