Thursday, July 4, 2024

Zeinab Harake, pinagbawalan si Ray Parks na halikan si Baby Bia

Inamin ni Zeinab Harake na labis na naapektuhan ang relasyon nila ni Bobby Ray Parks Jr. tungkol sa paghalik nito sa kanyang anak na si Baby Bia.

Kung babalikan, umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang video ni Ray na hinahalikan si Bia sa labi.

Binigyan ng netizens ng malisya ang paghalik ni Ray kay Bia.

Maraming netizens, karamihan ay mga nanay, ang nagpahayag ng kanilang concern dahil hinahayaan umano ni Zeinab si Ray na halikan si Bia kahit hindi ito tunay na ama ng bata.

Zeinab and Skusta Clee timeline

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na anak ni Zeinab si Bia sa kanyang ex-partner na si OPM rapper Skusta Clee.

Taong 2022 nang maghiwalay sina Zeinab at Skusta kung saan pagkatapos nito, napunta kay Zeinab ang buong pangangalaga kay Bia.

Zeinab Harake, pinagbawalan si Ray Parks na halikan si Baby Bia
PHOTO : Skusta Clee and Zeinab Harake

Ngunit dahil sa insidente, kinuwestiyon ng netizens ang pangangalaga ni Zeinab kay Bia.

Pinaratangan siya na isang pabayang ina dahil hindi umano niya pinoprotektahan si Bia lalo pa’t babae ito.

Zeinab Harake and Ray Parks on Toni Talks

Samantala, sa interview nila sa programa ni Toni Gonzaga na Toni Talks kamakailan, inamin nina Zeinab Harake at Ray Parks na naging malaking isyu sa kanilang relasyon ang insidente.

Ani Zeinab, “Naging issue namin yan…yung public [opinion], yung online kasi grabe yung mga articles eh. Talagang hindi ka na nila tatantanan. Si Bia kasi sobrang sweet na bata so nagki-kiss sila (ni Ray), so ako yung parang tinarget ng tao na parang, ‘hindi mo pinoprotektahan yung anak mo’ ganyan, ganyan.”

Kasunod nito, isiniwalat ni Zeinab na pinagbawalan muna niya si Ray na halikan si Bia, lalo na sa harap ng publiko.

Aniya, “Parang nagiging masamang nanay na ako bigla…sinasabi concern lang daw pero naapektuhan ang relasyon naming dalawa. So sinabi ko sa kanya, na ‘Daddy, lie low na muna ‘yung pagki-kiss.”

Bia, naiyak dahil hindi hinalikan ni Ray Parks

Pero labis daw naapektuhan si Bia dahil dito.

Ayon pa kay Zeinab, may isang pagkakataon umano na gustong halikan ni Bia si Ray pero dahil ipinagbawal niya, naiyak ito.

Ani Bia, “May one time na gusto i-kiss ni Bia si Ray, pinipigilan naming dalawa. Nung mukha ng bata, grabe, feeling niya na-reject siya. Sumasagot siya pero yung mata niya umiiyak na.”

“Kasi hindi pa ma-comprehend ng bata,” dagdag naman ni Ray.

Ray Parks, iginiit na “unfair” para kay Bia kung hindi niya ito hahalikan

Sinabi rin ni Zeinab na dahil sa isyu ay nasaktan sila bilang pamilya.

Aniya, “Kasi walang malisya sa bata eh. Wala ring malisya sa kanya. Pero dahil comment ng tao yun, parang ang nangyayari sa amin, pamilya na kaming nasasaktan.”

Sa kabilang banda, pumalag naman si Ray sa opinyon ng netizens dahil “unfair” daw ito, lalo kay Bia.

Kapag darating daw kasi ang panahon na magkakaanak sila ni Zeinab, baka maramdaman daw kasi ni Bia na hindi niya ito mahal.

Aniya, “For me, unfair kasi siya. So hindi ko pwede i-kiss si Bia, pero ‘pag nagkaroon kami in the future, God willing, na anak, pwede ko po i-kiss? Babalik po si Bia, ‘sasabihin niya ba’t hindi ganun ka-sweet si Daddy sa akin. So, ganun din parang may time na nadi-differentiate. So nagiging unfair.


0 comments:

Post a Comment