Thursday, July 25, 2024

Ai Ai delas Alas mistulang homeless, natulog sa sahig ng Airport

Viral sa social media ang mga larawan ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas matapos itong matulog sa sahig ng Airport sa Amerika.

Stranded at walang choice si Ai Ai matapos naapektuhan ang kanilang flight ng kaniyang anak na si Sophia dahil sa malawakang global outage.

Microsoft Global Outage, ilang kumpanya apektado

Ang mga airline, paliparan, bangko, kumpanya ng telekomunikasyon, at iba pang institusyon sa buong mundo ay nag-ulat ng mga pagka-antala sa kanilang serbisyo dahil sa Microsoft outage.

Ang malwakang IT outage ay sanhi ng “faulty update” mula sa cybersecurity company na CrowdStrike, na nakaapekto sa mga computer na nakabatay sa Windows.

Ai Ai, walang arte na natulog sa sahig ng Airport

Dahil nga sa technical issues, walang choice sina Ai Ai kundi ang sumalampak na lamang sa sahig ng airport at matulog.

Nataon kasi na nasa Charlotte International Airport sa United States si Ai Ai at Sophia nang magkaroon ng nasabing technical problem, papunta sana sila sa North Carolina.

Ai Ai delas Alas mistulang homeless, natulog sa sahig ng Airport
PHOTO : Ai Ai delas Alas mistulang homeless, natulog sa sahig ng Airport

Ibinahagi rin ni Ai Ai na buti na lamang ay may dala silang kumot at unan.

Aniya : “Ng dahil sa software global outage na to humiga na lang ako sa sahig sa Charlotte International Airport…salamat at may dala ako kumot at unan.

“Salamat sa DIYOS kasama ko [ang] aking baby girl Sophia Delas Alas siya ang nag asikaso ng flight and luggages namin…techi techi siya. Sabi ko sa kanya kung wala ka iiyak nalang ako,

“Huwag magbiyahe mag-isa, lalo na pag ‘di ka naman magaling sa mga computer online…’Wag ilagay sa maleta ang food (hindi sa carry on ko nakalagay —nilagay ko sa check-in, shunga shunga ko super tomjones akey) at wag mawawala ang kumot at unan,”

Sa update, ibinahagi ni Ai Ai na nagpasundo na siya at by land nalang sila bibiyahe ng kaniyang anak patungo sa kanilang pupuntahan.


0 comments:

Post a Comment