Thursday, July 18, 2024

Iñigo Pascual, masaya para kay Maris matapos hiwalayan si Rico

Inihayag ng aktor-singer na si Iñigo Pascual ang kaniyang suporta para kay Maris Racal matapos ang breakup nito kay Rico Blanco.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na dating magka-sintahan si Iñigo at Maris, taong 2018 tinapos nila ang kanilang relasyon at huli silang nagsama sa isang proyekto na “I’m Ellenya L.” noong 2019.

Ayon pa kay Iñigo na matagal na silang hindi nagkikita o nag-uusap ni Maris pero aminado siya na nananatili siyang updated sa mga ganap ng kaniyang ex-girlfriend.

Inamin rin ni Iñigo na super updated siya sa recent breakup nina Maris at Rico Blanco.

“I saw it, actually watched it. I feel for her. I know it’s tough,” panimula ni Iñigo.

“But I see it in a good light. She’s getting to know herself. She’s choosing herself. That’s something I’m very proud of her.

“I’m happy for her for choosing herself, to be strong for herself. hindi madali ‘yun,” dagdag pa ni Iñigo.

Maris Racal and Rico Blanco breakup

Sa isang press conference ng Star Magic nitong Biyernes, July 12, inamin ni Maris na hiwalay na sila ni Rico matapos ang limang taong relasyon.

Maris Racal, hiwalay na sa singer na si Rico Blanco
PHOTO : Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco

Nagsimula ang rebelasyon nang tanungin si Maris kung handa na ba siyang magpakasal kay Rico. 

Sa umpisa, sinabi ni Maris na hindi muna dahil nakatutok pa siya sa kanyang career ngayon. 

Ngunit nang muling tanungin kung nakikita ba niya ang sarili na ikakasal kay Rico, naging tahimik at emosyonal si Maris.

“Anthony [Jennings] is out of the picture”

Kasabay ng pag-amin ni Maris sa hiwalayan nila ni Rico ay ang pagsulpot ng mga haka-haka na baka raw ay third party ang dahilan.

Mabilis naman na itinuro ng mga netizens na baka diumano si Anthony Jennings ang naging dahilan kaya na fell out of love si Maris kay Rico.

Anthony, hindi third party sa Maris Racal at Rico Blanco breakup
PHOTO : Maris Racal, Anthony Jennings and Rico Blanco

Ngunit paglilinaw naman ni Maris na walang third party involved at wala ring kinalaman si Anthony sa kung anuman ang rason kung bakit sila naghiwalay ni Rico.

“Anthony is out of the picture. It’s just mainly me and Rico. Mainly me, I’m the issue.” paglilinaw ni Maris.


0 comments:

Post a Comment