Monday, July 1, 2024

Dennis Trillo, binatikos matapos magkomento kung “May ABS pa ba?”

Nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang aktor na si Dennis Trillo matapos tanungin ang isang netizen kung “May ABS pa ba?”.

Kung ating babalikan, maraming netizens ang nakapansin kung bakit hindi nila mahagilap ang asawa ni Dennis na si Jennylyn Mercado sa bagong GMA station ID ng kapuso network kamakailan.

Kaya naman, may isang netizen ang mapangahas na nagtanong sa TikTok account ng aktor na si Dennis kung may posibilidad ba na lilipat si Jennylyn sa Digital network giant na ABS-CBN.

Dennis Trillo draws flak after asking “May ABS pa ba?”

“Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma’am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN” tanong ng netizen sa TikTok video ni Dennis.

Sagot naman ni Dennis : “May ABS pa ba?”

Dennis Trillo, binatikos matapos magkomento kung "May ABS pa ba?"
PHOTO : Dennis Trillo comment

Matapos mag-viral sa social media at nakatanggap ng samu’t-saring batikos si Dennis dahil sa natural tanong niya sa isang netizen, naka-turn off na ang comment section ng aktor sa lahat ng kaniyang TikTok videos.

GMA Network Station ID 2024

June 28, ini-released ng kapuso network ang bago nilang station ID ngunit marami sa mga fans ni Jennylyn Mercado ang nagtaka kung bakit hindi kasama ang aktres.

Malaking katanungan rin ito para sa mga netizens dahil si Jennylyn ay isa sa mga “home grown” talents ng kapuso network, isa rin ang aktres sa itinuturing na “big stars” ng nasabing network.

Kaya naman, maraming haka-haka ang lumabas sa social media na baka diumano lilipat na ang aktres sa ABS-CBN kaya’t hindi na ito mahagilap sa bagong station ID ng syete.

Kampo ni Dennis Trillo, naglabas ng Official Statement

Samantala, pinabulaanan ng kampo ni Dennis ang naging komento nito sa social media tungkol sa presence ng ABS-CBN network.

Ayon kay Jan Enriquez, ang personal TikTok account umano ni Dennis ay na-hacked, nilinaw rin ni Jan na hindi si Dennis ang may hawak ng kaniyang account gayun busy umano ang aktor sa taping ng kaniyang proyekto na “Pulang Araw”.

Ani ng kampo ni Dennis : “We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA. We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident.

“We would like to inform the public that Dennis Trillo’s TikTok account was hacked around noontime today, July 1, 2024. Several comments were made using his name, and we assure everyone that these remarks did not come from Dennis.

“He is known for his kindness and respect, and these comments are out of character for him. We are currently addressing the issue to prevent it from happening again. Thank you.” dagdag pa ni Jan Enriquez.


0 comments:

Post a Comment