Tuesday, July 23, 2024

Nadine Samonte, kinawawa sa GMA Gala dahil wala sa guest lists?

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang isiniwalat ng stylist ng aktres na si Nadine Samonte tungkol sa GMA Gala.

Ito’y tungkol sa umano’y treatment ng Sparkle GMA Artist Center kay Nadine sa katatapos lang na GMA Gala na ginanap noong Sabado, July 20.

Stylist ni Nadine sa Sparkle GMA: “Treat your artists right”

Sa X post ng stylist niyang si Keith Manila, naglabas ito ng sama ng loob laban sa Sparkle GMA dahil sa pagtrato nila kay Nadine.

Ayon kay Keith, in-invite daw ng Sparkle GMA si Nadine pero nang makarating sa venue, napag-alaman nilang wala raw pala ito sa guest list.

Ibig sabihin, walang upuan para kay Nadine dahil sa mga ganitong event may sinusunod silang seating assignments.

Kaya naman umapela si Keith sa Sparkle GMA na tratuhin nang tama ang kanilang mga artista kahit wala na raw ito sa prime years gaya ni Nadine.

Ani Keith, “Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo. Bakit kayo mag-iinvite pero wala pala sa listahan. ‘Wag niyo unahin mga influencers na ininvite niyo. So disappointing Sparkle GMA Artist Center. #GMAGALA2024.”

Pahabol na tweet pa ni Keith, “HINDI NAKAKASPARKLE” kalakip ang hashtag na “GMA Ball 2024.”

Nadine, walang pictures o videos na nasa loob ng venue ng GMA Gala Night 2024

Hindi naman malinaw kung nakapasok ba si Nadine sa venue o wala.

Ngunit may ilang espekulasyon na baka hindi umano pinapasok, o pinapasok naman pero hindi na tumuloy si Nadine dahil sa hiya dahil wala pala siya sa guest list. 

Kapansin-pansin kasi na walang kahit anong post o larawan si Nadine na nasa loob siya ng venue.

Sa kanyang Instagram account, makikitang tanging pictures at videos lang niya habang nasa red carpet ang ibinahagi ni Nadine.

Samantala, muli namang ibinahagi ni Keith ang isang powerful picture ni Nadine na inspired sa sikat na British actress na si Audrey Hepburn. 

May caption itong, “She deserves a seat at the table.”

Nadine: “I’ll just drink my coffee and smile”

Makahulugan naman ang Instagram post ni Nadine nitong Lunes, July 22, kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga larawan na umiinom ng kape sa kanyang Audrey Hepburn outfit.

Nadine Samonte, kinawawa sa GMA Gala dahil wala sa guest lists?
PHOTO : Nadine Samonte / GMA Gala

Kalakip nito ang caption na, “I’ll just drink my coffee and smile.”

Para sa mga hindi nakakaalam, isa si Nadine sa pinakamahusay at pinakasikat na aktres ng kanyang henerasyon. 

Kabilang din siya sa mga homegrown talent ng GMA kung saan nag-umpisa siya sa showbiz matapos sumali sa first batch ng reality show nilang “Starstruck.”

Hindi na rin mabilang ang mga proyekto na ginawa ni Nadine sa Kapuso network gaya ng “Marimar,” “Endless Love,” at “Darna.”

Kaya naman maraming netizens ang dismayado sa ginawa ng Sparkle GMA.

Komento ng ilang netizens:

“Totoo po ba na walang seat available for you sa Gala night? With all your preparations wala sa list? Grabe kayo @gmanetwork”

“Artist pa nila yan ah. First time nalang ata ni Nadine umattend dahil alam ko kaka-sign niya lang sa Sparkle tapos ganito? Lol”

“Parang wala siya photo inside the ballroom. Wala rin siyang kahit repost lang stories. Puro hanggang red carpet lang. Sad naman kung totoo.”

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Sparkle GMA sa isyu.


0 comments:

Post a Comment