Thursday, July 11, 2024

Pamilya ni Rico Yan, nagsalita tungkol sa mga bumibisita sa aktor

Nagsalita na ang pamilya ng dating aktor na si Rico Yan matapos mag-viral sa social media ang mga larawan ng mga netizens na kuha sa libingan ng aktor.

Hindi lingid sa karamihan na muli ay naging laman ng social media ang aktor na si Ricardo Carlos Castro Yan o mas kilalang Rico Yan dahil sa mga GenZ na pilit ina-alala ang aktor dahil sa kaniyang mga pelikula.

Marami kasi sa mga Gen Z ang nagsasabing patay na patay sila sa kagwapuhang taglay ni Rico kahit patay na ito, marami rin ang mga dumalaw sa libingan ng aktor sa Manila Memorial Park na mistulang naging tourist spot.

Libingan ni Rico Yan, ginawang tourists spot ng mga delulu
PHOTO : Libingan ni Rico Yan

Muli kasing nakilala si Rico matapos muling inupload ng Star Cinema ang mga blockbuster movies nito sa social media na may pamagat na “Got 2 Believe” at “Dahil Mahal Na Mahal Kita” kasama ang aktres na si Claudine Barretto.

Bobby Yan, nagsalita na tungkol sa pag-dagsa ng mga dumadalaw sa libingan ni Rico

Dahil sa hindi maawat na pagdalaw ng mga diehard fans ng aktor sa kaniyang puntod, nagsalita na ang nakakatandang kapatid ni Rico na si Bobby Yan.

Nilinaw ni Bobby na lahat naman ay pweding pumunta sa puntod ng kaniyang kapatid dahil welcome naman ang mga ito.

Ani Bobby : “We welcome po anyone from anywhere. We have visitors from abroad visit Rico’s tomb and there are visitors weekly since 22 years ago.”

Rico Yan’s death

Natagpuan na lamang ng aktor na si Dominic Ochoa na walang buhay ang kanyang kaibigan na si Rico sa isang cottage sa Dos Palmas resort sa Palawan.

Sa resulta ng autopsy na isinagawa sa katawan ni Rico ng Arlington Funeral Homes, lumalabas na ang sanhi ng kaniyang pagpanaw ay pancreatic hemorrhage.

Claudine Barretto, bawal makita ang bangkay ni Rico Yan

Sa unang araw ng lamay para kay Rico, ay isa-isang nagdagsaan ang mga sikat na artista at mga fans ng aktor sa kaniyang burol sa La Salle Greenhills Chapel.

Ngunit kung gaano kabukas ang pinto ng puso ng pamilya ni Rico sa pagtanggap sa ibang mga artista ay ganu’n naman kasarado ang puso nila para kay Claudine Barretto.


0 comments:

Post a Comment